Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Maymay Entrata




Maingay sa social media simula ng Luzon Lockdown ang pangalan ng iba't ibang celebrities at known personalities. Nagtetrending yung ilan sa kawalang-habag ng posts nila despite their privilege samantalang yung iba ay dahil sa kusang-loob na pagtulong nila sa kapwa nila in their own little ways.


Isa na rito si Maymay Entrata ng Mayward loveteam. Kumakailan lang ay nakita sa IG live ng isa sa BFFs niya na si Jay Bien ang pamimigay nila ng alcohol sa kalye. Suot ang kanyang N95 mask ay naglalakad-lakad si Maymay and friend niya along Timog at Tomas Morato area para mamahagi ng blessings sa ibang frontliners tulad ng security guards. No wonder siya ang napili ng Star Music na cover ng Filipina Anthem Playlist nila sa Spotify.


Maymay, nagbigay blessings sa mga SG
Bukod Kay Maymay, mapapansin na maraming empowered women celebrities tulad ni Maine Mendoza na nagpapaemail sa DoNation.drive@yahoo.com ng certificate of employment pati katunayang tigil trabaho muna para makaavail sila ng inallot niya na PhP1,000 per household na tulong. Si Bela Padilla naman ay nakapagraise ng over 3 million in 3 days para sa food supplies and sanitation kits na ipapamigay niya. 

Maine Mendoza, may pa-P1K na tulong

Si Ethel Booba ay ginamit ang social media clout niya para ipagtanggol ang pagpayag ni Mayor Vico Sotto na papasadahin ang trikes. Pinoint out niya na pwede pa ring ipractice ang social distancing sa pamamagitan ng plastic covers. Si Marrietta Subong naman aka Pokwang ay nagluto personally para ipamigay sa healthcare workers.

Si Maymay ay ginamit din ang quarantine period para gawin ang 50 songs in 5 minutes challenge with Edward Barber pati ang pagpapaunlak sa fans by taking on the "Who is more likely" challenge sa IG Live kasama ang isa pa niyang BFF na si Pat.

Hindi siya kagaya ng mga pasaway tulad ni Drew Arellano na pati si Primo na anak niya ay nagtrending sa Twitter dahil sa statement niya na, "we are the virus and covid's the cure really." Sinopla siya ng spoken word artist na si Juan Miguel Severo dahil sa kanyang pagiging insensitive sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19.

Di naman ipinipilit ang pagtulong from privileged personalities pero maganda shut up na lang siguro muna yung mga parang tuwang-tuwa pa sa veerus at di makarelate sa hinaing ng masa. Sabi nga ng social media influencer na si 'Gigi on Youtube' eh...NAMASTENG INA MO.

*****


Sa March 23 ay magaganap ang unang star-studded and free Facebook Live concert na "Bayanihan, Musikahan" series. Ito ay initiative ni Maestro Ryan Cayabyab at naglalayong mag-raise ng funds para sa vulnerable sectors ng society.
Lea Salonga in Bayanihan Musikahan on March 23


Kasama rin dito sina Jett Pangan, Tanya Manalang, Robert Sena, Isay Alvarez, Raymond Lauchengco, Menchu Lauchengco-Yulo, Bayang Barrios, The Company, Gian Magdangal, Gab Pangilinan, Reb Atadero, Michael Williams, at Red Concepcion.

Ang mga confirmed performers ay sina Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Jaya, Martin Nievera, Jed Madela, Ebe Dancel, Chito Miranda, Raymund Marsigan, Cherie Gil, Agot Isidro, Jim Paredes, Noel Cabangon, Aicelle Santos, Morissette, Christian Bautista, Mark Bautista, Nyoy Volante, Ice Seguerra, Dingdong Avanzado, Juris Fernandez, Karylle, Yael Yuzon, at Sitti.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply