Ilu-launch na sa isang malaking pelikula ang dalawang sikat na loveteams ng natapos nang Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto.
Ipo-produce ng Black Sheep ang launching film nila Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri and Francine Diaz na isang teen horror film titled "All Nighter".
Na-excite ang apat na teen stars na sumikat dahil sa top-rating afternoon teleserye na Kadenang Ginto na umere sa ABS-CBN ng dalawang taon (October 2018-February 2020).
Ididirek ito ni Gino Santos na may kinalaman sa Filipino folklore.
Nakilala si Direk Gino sa pagdirek ng adult and sexy drama tulad ng The Animals, Island Dreams, #Y, Ex with Benefits, Love Me Tomorrow and Sin Island.
“Is it a horror teen film and it’s not just going to be physical kung 'di emotional,” sey ni Direk Gino.
Magsisimula ang shooting ng All Nighter on March 25.
No comments: