Roderick Paulate |
May offer na dalawang
pelikula angT-Rex kay Kuya Dick pero may mga meeting pa sila para pag-usapan
ang kwento at kung sino ang magdidirek nito.
The last time we talked to Kuya Dick, sinabi ng actor na
isa sa napag-usapan nila ng T-Rex ay ‘yung magiging part siya ng creative team
ng movie na kanyang gagawin. Pwede siyang mag-suggest kung ano ang magiging
kwento, pati na rin kung sino ang mga artista na makakasama niya sa pelikula.
Hindi lang agad napag-usapan ang mga detalye noon dahil
abala pa si Kuya Dick sa taping ng One of the Baes, ang primetime series which
he did for GMA 7. Now that the series is over, pwede na makipag-usap. Raratsada na muli ang "Reyna ng Komedya".
*****
Tony Labrusca’s career is doing very well. For a newcomer, he has two interesting movies tucked under his belt. Nakasama niya ang yumaong actor na si Eddie Garcia sa Cinemalaya entry na ML.
Tapos naging trending topic ang ginawang niyang movie sa iWant titled Glorious kung saan nakapareha niya ang award-winning actress na si Angel Aquino.
Tony Labrusca |
Pero among these two, napansin ang acting ni Tony sa ML. Proof ay ang Gawad Urian best supporting actor nomination na kanyang nakamit. It was a big honor for him to be nominated.
Kaya nang malaman niya na there is an offer from Viva kung saan makakatrabaho niya si Joel Lamangan, he grabbed the chance and accepted the project.
Gusto niya makatrabaho si Direk Joel because of the director’s reputation as an actor’s director. Lahat ng mga artistang dumadaan sa kamay ni Direk Joel ay nagwawagi ng award.
After his Gawad Urian nomination, mukhang feel ng binata to win an award. And he is hoping na mapansin ang acting niya sa Hindi Tayo Pwede.
Although he admits being nervous working with direk Joel, hindi naman palalagpasin ni Tony na makatrabaho ang premyadong director.
Ang tanong na lang- pasado kaya ang acting niya kay Direk Joel?
*****
No one is safe anymore any more in our country. Nakabibigla ang pagtambang sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu. Wala naman daw alam na kaaway ang aktres kaya pinagtatakhan niya kung bakit pinagbabaril ang kanyang kotse.
Hindi nga napigilan ni Kim ang maiyak habang ikinukuwento ang nangyari sa kanya. She was traumatized. Kaya ngayon ay may police escorts na siya habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyaring insidente.
Pero kahanga-hanga naman ang professionalism na ipinamalas ng aktres. Kahit na tinambangan na ang kanyang sasakyan ay tumuloy pa rin siya sa taping niya.
Marahil ang pakiramdam ni Kim ay mas safe siya in the company of people sa taping. At least, kilala niya ang mga ito and would do their best to protect her.
Kim sa lahat ng victims unshod punta ABSCBN station Kay sa police station. Bakit?
ReplyDelete