Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » Ambush kay Kim Chiu, isang palabas?

Kim Chiu 




"Thank you to everyone who expressed their prayers and concern. We can never explain why these horrible things happen. Thankfully, there are no casualties. Thank you God for being always on my side," obviously relieved na sey ni Xian Lim sa post niya sa Instagram matapos ang insidente.

Nangyari ang ambush in broad daylight sa busy streets of Katipunan last March 4, 6:15 AM. Ayon sa kay Wilfredo Taperla, ang kanyang driver na saksi sa pangyayari,  natutulog si Kim Chiu sa loob ng kotse kaya nagulat na lang ito nang magising siya at basag ang black van na lulan siya.


Kim and Xian Lim
Sa exclusive interview with MJ Felipe of ABS-CBN News, inamin ni Kim na di niya mapigilan ang mapaluha dahil sa mga halu-halong thoughts ang nag-emerge dahil sa pangyayari gaya ng baka mayroon bang may galit sa kanya. 

Regular taping day kasi ito para sa kanya for 'Love Thy Woman' at nakatulog siya sa pagbabasa ng script. Ito ang kanyang kuwento nang makita ang ang mga tama ng bala sa bintana, "Kung hindi ako nahiga tatamaan talaga ako."

Kahit traumatic ang incident, ipinasya pa rin niyang tumuloy sa taping para makalimutan ang nangyari. Ito ay ginawang katatawanan ng ibang netizens at may mga nagsabing magiging si Kim Chiu na daw ang standard kung entitled kang lumiban o pumasok ng trabaho.

Theory ni Kim na case ng mistaken identity ang assault ng riding in tandem sa kanya.

Ang ibang teorya ay super outrageous comments gaya ng pinaambush ni Kim ang sarili para mapansin. Ang dating radio anchor na si Jay Sonza ay nagpost ng kuro- kuro sa Facebook gaya ng ano ba daw armored van ang ginamit at bakit daw nasa stoplight nang paulanan ito ng bala pero walang tinamaan kahit tumagos ang mga ito sa loob ng van.. Maging ang pagtagos ng bala from left to right kahit raw sinasabing bulletproof ang sasakyan ni Kim ay inusisa ng kilalang Duterte supporter.

Bukod sa pamunuan ng ABS-CBN led by President Carlo Katigbak na nag-comfort kay Kim, nagpahayag sa Instagram ng suporta ang fellow artista niya gaya ng nina Angel Locsin, Vina Morales, Bela Padilla, Gary Valenciano, Pokwang, Ruffa Gutierrez, Miles Ocampo, Aiko Melendez, etc.


*****

Mutia ti La Union 2020 winners. 

Last March 4 ay punung-puno ng kasosyalan at grandiosa ang ginanap na coronation night ng Mutia ti La Union 2020. 

Ang mga beauty queens tulad nina Catriona Gray, Shamcey Supsup, at Venus Raj ay ilan sa nagsilbing judges ng extraordinarily and prestigious provincial pageant spearheaded by Aliw Award nominee Bernard Maybituin of Lumina Events.

Ilang Kapamilya artists rin ang kasama sa event gaya nina Inigo Pascual at Marco Gumaba, at sina Billy Crawford at Robi Domingo ang  naging hosts event.

170th founding anniversary din ng province which made it extra special. Ipinasa na ni Anne Margareth Sanglay from Sudipen, La Union sa kababayang si Divine Marie Villanueva ang crown as Mutia Ti La Union 2020. 


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply