Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Queens Pia at Catriona, palaban ang mga jowa

  Pia Wurtzbach at Catriona Gray



 When you see how some people in the coffers of power are railroading the approval of an anti-terrorist bill when all are aware that the invisible enemy is the pisting veerus and not some disgruntled militia group, di ba nakakaimbiyerna?

Kaya kesa mag-open ang pores at madagdagan ang fine lines, let us make chika na lang about the men who makes the hearts of  Pia Wurtzbach at Catriona Gray bounce and scream with joy!

The Queens
Hindi pwedeng ikaila na ibang klaseng Phlippine pride ang binigay sa atin nina Pia Wurtzbach at ang ating millennial Pinay Ms. Universes.

Parehong may hinhin na tangi at dakilang ganda sina Pia at Catriona. Sila talaga ang perfect symbols of a nation rich in heritage and love. Sila ang mga ladies who won the international judges hearts pati na rin ang pihikang panlasa ng beauty pageant aficionados.  
And hindi maiwasan na ikumpara ang kanilang reign, sense of fashion, talino at ang mas nakakaloka pa, ang mga totoong babae, bakla at mga pamhinta, walang kapagod-pagod sa kanilang notes comparing kasi nga ang mga makabagong bathaluman, ang mga lalaking minamahal, talaga namang pwedeng masabing best examples of the male specimen in the world, no, in the universe rather.

Si Ms. Universe 2015, iba ang pasabog at pag-amin sa bagong minahal. Yes, what used to be just sightings in this and that in exclusive and posh locations, hindi na nila itinanggi ang katotohanan. Pia is playing sweet music with Jeremy Jauncey, ang hunky Venezuelan na travel editor.
Pia and boyfriend Jeremy Jauncey 
Modern power couple celebrity on the cover of a shalang magazine ang mga nagmamaghalan. And how did they reveal and spill their romantic beans? In style and full glamour, of course.

Ang world famous New York based photographer lang naman na si Nigel Barker ang nag-capture sa kanilang photos for posterity and yes, ang whys and wherefores of their istariray na relasyon, for the chichi sets reading pleasure.

Si Ms. Universe 2018, we all know kung paanong ang kasintahan niyang si Sam Milby ang umamin sa kanilang fairy tale which was confirmed by Milby on his natal day.

Marami siempre pa ang hindi makapaniwala sa kaganapan dahil nga they belong to same career management group at ang unang impression was baka naman for promo lamang ito at for a career boost ni Milby.

Catriona and boyfriend Sam Milby
No offense meant to the Filipino-American leading man, hindi ba parang “gastadong-gastado” at “gamit na gamit” na ang binata relationship wise? Ilang artistang babae at models na rin ang kanyang minahal. Huwag na nating isama pa ang urban legends about his closeness with a certain person na hanggang ngayon, mas marami pa rin ang nanalig na nag-eskrimahan sila like there is no tomorrow.


As far as being an actor is concerned, does he even deserved to be calles as such? We all still can recollect na siya ang weakest link sa kabit-seryeng “Halik,” hindi ba naman? Isa pa, wala pa itong significant film work that was able to convince those who are in doubt na mahusay siyang actor.

Sam is a beefcake, yes. An eye candy, definitely! But an actor, parang pwedeng pag-usapan ang kanyang merits at demerits sa isang argumentation and debate class, hindi ba?

Even if majority of us opines na somebody like an Orlando Bloom or si Prince Harry ang dapat maging jowa ni Bb. Gray, may magagawa pa ba tayo kung sinunod niya lang naman ang tinitbok ng kanyang puso?

Sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, mga bukod tanging babaing pinagpala talaga sa lahat, huh!


Juday at Ryan: Negosyong resto, apektado ng pandemya

Judy Ann Santos





 Tulad ng ibang celebrities na may sariling food business, apektado rin ang Angrydobo restaurant ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Noong ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, napilitang magsara ng kanilang branches sina Juday at Ryan, pero hindi nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado.
   
Juday and Ryan for Angrydobo
Ang mga food supplies nila sa resto ay binigay nila sa kanilang mga tauhan. Kesa naman daw na mabulok at hindi mapakinabangan, makakatulong pa raw ang mga iyon kahit paano sa kanilang mga tauhan habang may lockdown.

Ngayon ay nagbukas na ang isang branch nila sa Taft Avenue, pero for take out and deliveries daw muna. Nag-iisip raw ng magagawa sina Juday at Ryan para mapanatili nila ang kanilang staff.

“We are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” sey ni Juday.

Nag-take din daw ng online classes si Juday habang naka-quarantine siya kasama ang mister at mga anak.

“I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” tawa pa niya.

Kuwento ni Juday na hati sila ni Ryan sa pag-asikaso sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang wala pang school opening. Si Ryan daw ang bahala sa English subjects at sa Pilipino naman daw si Juday.

*****
Masuwerte ang Fil-Canadian actor na si Manny Jacinto dahil pagkatapos ng comedy series na The Good Place, may bago siyang sisimulan na TV show for Hulu.

Fil-Canadian actor Manny Jacinto
Ang title ay Nine Perfect Strangers at makakasama niya sina Nicole Kidman and Melissa McCarthy

Bukod sa TV series, kasama rin si Manny sa bagong Tom Cruise film na Top Gun: Maverick, ang much-awaited sequel ng 1986 film na Top Gun.

Manny’s new show is an adaptation of the novel of the same name by Liane Moriarty, who also wrote the book that was the basis for Nicole’s HBO series na Big Little Lies.

Jacinto was born in Manila and at 3-years old, nag-migrate ang kanyang family to Canada in 1990. 

He was raised in Richmond, British Columbia and attended an all-boys Catholic high school, Vancouver College.


He earned a bachelor's degree in Applied Science in civil engineering at the University of British Columbia.

*****
Magkakaroon ng online concert ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara ngayong Biyernes (June 5), 4pm. 

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inanunsyo ng concert director na si Marvin Caldito na pangungunahan ng Kapuso actress ang fundraiser upang suportahan ang Love Plus Charity Foundation at CRIBS Foundation Inc. bilang bahagi ng Legion Music Festival. 

“Proceeds will go to a foundation that helps fight COVID-19 and a non-profit organization that provides a loving and safe environment for the abandoned babies and female minor survivors of sexual abuse.”

Ang online fundraising concert ay sabay-sabay na mapapanood sa official YouTube, Facebook, and Instagram accounts ng Legion Music Festival.

ALL K: Hyun Bin is an actor of few words

Hyun Bin 





 For all we know, ang sikat na Korean actor na si Hyun Bin ay ang dating si Kim Tae-Pyung.

this is his real name na pinanganak sa Jamsil-dong, Seoul nu’ng September 25, 1982.
He started in showbiz gamit ang totoo niyang pangalan, Kim.


Pinoy goes gaga over Hyun Bin
Dream na niya ang maging isang detective when he was young. Kaya when the movie Confidential Assignment came as a role of North Korean special investigation agad niyang grinab ito dahil ‘yun ang katuparan ng kanyang childhood dream.

Hindi sinusuportahan si Hyun Bin ng mga magulang dahil nakikita nilang hindi marunong umarte ang anak. They gave him an ultimatum: to enroll successfully in one of Korea’s best universities for acting, Chung-Ang University, or pursue a more viable career. 

Fortunately, Hyun Bin made it in and became one of Korea’s most recognized actors in
2004 when Hyun Bin won Best New Actor given by the MBC Drama Awards via Ireland TV show.
Hyun Bin served the Korean military as a marine
From there on nagkasunud-sunod ang proyektong dumating sa Korean actor. When he made a romantic comedy, Secret Garden in 2010 lalong dumami ang fans ni Hyun Bin kung saan body-switching ang kanyang character at minahal siya ng fans for his loveable oppa personality.

The show’s popularity also cemented his name in the minds of K-drama fans worldwide.


Tulad ng mga South Korean men, pumasok din si Hyun Bin sa army from March 2011 up to December 6, 2012 with a total of 21 months.

He was in the marines, and was even named as an exemplary soldier. Nakatulong sa Korean actor ang real-life experienced sa role na ginampanan as a soldier persona sa Crash Landing On You,

Sa interview ng KBS World ay nabanggit ng actor na he had spent his twenties playing various characters gamit ang real name na Kim Tae-Pyung.


Guwaping, is one reason why Filipinos love him
And that was the time to bid farewell to Kim Tae-Pyung and welcome Hyun Bin.
Korea Times described Hyun ‘is an actor of  few words.

Kung ano lang daw ang tanong ay ‘yun lang ang sasagutin. Ma-sekreto raw kasi ang actor.
Kapag hindi siya busy ay mas gusto pa niyang mapag-isa kesa uma-attend ng showbiz gatherings.


Naging miyembro rin ng rock ballad band na Buzz si Hyun at muntik nang maging lead vocalist. He choose to be an actor than to be a singer.

Hindi ang CLOY ang unang pinagsamahan nina Hyun Bin at Son Ye Jin kundi sa pelikulang The Negotiation year 2018.


Hyun Bin might visit the Philippines soon

When the Korean actor interviewed, he said, may times na may gusto raw siyang gawin.
“I want to do just minor, trivial stuff, things that I can do without worrying about the eyes of others.”

Hangga’t maari ay iniiwasan ni Hyun na may drinking scene siya sa proyektong ginagawa.
Hindi raw kasi siya high drinker. Though nakaka-consume siya ng one bottle after that ay namumula na ang buo niyang katawan dahil allergy sa alcohol.

The latest news about Hyun Bin ay pupunta sa ‘Pinas to do some commercials.at speial appearances for a local clothing brand



   




Ruru, Derrick, Kyline at Kris : Member ng Club Bantilawan

Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara at Kris Bernal




  Yes, it is the second day of June and we are in day two of the general community quarantine season of our daily lives. Where you able to come work knowing the fact that buses and jeeps are not available for mass commuters?

Did you join the riding the bike bandwagon that the gobiyerno nacional is aggressively campaigning as the next best way for you to travel? For crying out loud, with the scorching heat, bike lines are not even available and ready plus the pollution that covers the entire metroplis, will you risk your limb and life with this not so ideal suggestion?

And with the cases of COVID 19 virus affliction definitely reaching its more than 20K mark, better stay safe and sorry and follow the healthy habits we are all doing the past two months or so.

Hindi natin masisi kung bakit atat na atat na ang lahat na bumalik sa kani-kanilang trabaho at katungkulan dahil nga wala na talagang peran pwedeng gamitin para sa araw na araw na kabuhayan ang mas nakararami. Pilinng-pili rin naman ang binigyang ayuda kaya kahit kahambal-hambal ang katotohanan na pahirapan ang pumasok sa kaniya-kaniyang pinagtratrabuhan, lalaban pa rin ang ordinaryong Juan at Juana, ang mga descamisadong si Pedro at Petra dahil hindi nila kakayaning mamatay sa gutom ang kani-kanilang pamilya.

Ano kaya ang problema kay Derrick at hidi sumikat-sikat?
Kaya nga, hindi ko mapigilang magtaka, complete packages naman itong sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara at Kris Bernal, bakit ang mga karera, hindi bumongga-bongga. Forever starlets ang stature at kung naniniwala sila sa sarili nilang press releases na sila ay sikat, dapat siguro silang palaklakin ng sagrekwang mugs of kapeng barako, walang sugar dapat at creamer, para nerbiyusin sila kasi nga hindi pwedeng ikaila na sila ay outstanding members ng Club Bantilawan. Mga hindi pa nga sumisikat in a major, major way parang pa la ocean deep na agad, huh!

Parehong matangkad, matipuno at talagang kaguapuhang lalaki sina Madrid at Monasterio pero bakit mailap ang superstardom sa kanila?  Pareho ring kayang magpa-sexy, panalo ang mga katawang pang-romansa at marami ang pangmalakasan ang pagnanasa sa kanila, pero bakit parang mas maingay pa at mas may audience impact ang mga karera nina Joshua Garcia, Marco Gumabao at Tony Labrusca sa dalawang Kapuso hunky papas?

From boy next door, what if Ruru goes sexy?
Sa true lang, parang mga taglay na pambihirang palo-palo pa nga ang beefcakes na ito, mahusay ring mag-sing and dance, at hindi rin pahuhuli sap ag-arte, lalo na si Madrid kaya nakakapagtaka na pag tinitimbang sila, parag laging may kulang?

Hindi kasi mukhang pambida si Kyline
Si Kyline, na malakas daw sa social media at may solid na Sun Flower followers, kaya niya man lang tumapat sa Kapamilya young misses na sina Maris Racal at Loisa Andalio? Parang milya-milya ang estrella nina Andalio at Racal kung ikukumpara kay Alcantara na maganda, may stage presence, better singer and performer pero bakit parang sila-sila lang na mga Kapuso ang may kakilala sa kanya?
Putsi-putsi kasi ang mga projects ni Ktis di makausad

Si Kris, na marami ang takang-taka at gustong mahibang dahil nuknukan sa kapayatan, ang kanyang mga suso, busog lusog at nag-de-defy sa laws of physical anatomy. Hindi ba dapat pag sing payat ka ni Bernal, flat chested ka eh bakit ang chest babies niya, bilog na bilog at bundat na bundat.

Buti nga at napapansin pa ang mga bundok ng susong dalaga niya dahil kung hindi sa kanyang boobies, baka nagka-general amnesia na ang lahat at siya ay forgotten and gone for good na.

How do you solve the stale and sorry states of the careers of Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara and Kris Bernal? Any suggestion, my dear Blahbers? Sayang na sayang talaga sila, huh!


Rhian Ramos: Nagka-insomia dahil sa ECQ

Rhian Ramos






 Halos abutan na raw ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress na si Rhian Ramos magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine. 

Kahit naka-adjust na sa tinatawag na ‘new normal’, aminado si Rhian na nahihirapan itong makatulog lalo na noong mga unang araw nito. 

“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna 'yung sunrise bago ako matulog," kuwento ni Rhian.

Dagdag pa ni Rhian, noong kakadeklara pa lang daw ng ECQ ay excited pa siya dahil sa wakas ay nagkaroon ito ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at mag-enroll sa mga online masterclass. 

Sa paglipas ng panahon ay naisipan daw ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang kanyang mga araw. 

Alas onse ng gabi ito natutulog at alas otso ng umaga ito gumigising saka raw siya gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit. 

*****

Tuloy ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa. 

Ang kanyang tinutulungan ay ang mga frontliner na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. 

Heart's 'Upended 2020' painting
Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Heart na ang kanyang painting na “Upended 2020” ay naibenta sa Art For Life.

“My painting, “Upended 2020,” was sold to Art for Life and the proceeds will go to our dear frontliners. I'm sad to let it go but I'm so so happy that it will be part of someone else's story.”

*****

Nais ni Ina Feleo na mas lalong mahalin ng tao ang kani-kanilang katawan, anuman ang hugis nito. 

Ayon sa kanyang Instagram post: “It's okay to be body positive but to be neutral and want to improve yourself for yourself is also fair. If you feel that you aren't confident yet, that's fine and that gives you something to work on."

Wala raw masama sa kagustuhang i-improve ang katawan sa pamamagitan ng diets, exercises, at iba pa. Hangga't maaari lang, hiling ni Ina na matuto ang lahat na i-embrace kung ano ang meron sila.

"As long as we all respect our bodies and find what feels good is all that matters."

*****

Naaliw ang followers ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account. 

Pinost niya ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista. 

Tip ni Garrett, dapat may konting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng Asia's Nightingale.

Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay “Step 1: Alam n'yo 'yung 90 Day FiancĂ©, kilala ny'o si Rose? Medyo gagayahin lang natin boses ni Rose. I-a-apply n'yo lang s'ya sa bawat words na kakantahin mo. Step 2: Kilala mo 'yung partner n'ya, si Big Ed? Medyo gagayahin lang natin 'yung posture niya, kumbaga tight 'yung katawan." 

Meron ng 152,000 followers at 617,000 likes si Garrett sa TikTok.

Kiray Celis: Ipinagmamalaki ang "Wetpaks!"

Kiray Celis




 Kamakailan lang ay nag-post si Kiray na may pinakitang bag ngunit inulan ng komento ang naturang post dahil sa kita ang pisngi ng puwet ni Kiray. May ilang nag komento na-disappoint sila dahil akala nila matino si Kiray na alam nya ang matino sa hindi. May ilan nasagwaan at nabastusan sa kanyang suot.


Agad naman nag post si Kiray. "Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede. OKAY? Pag part ko, galit kayo?  Korni niyo! BUWAHAHAHAHAHA!

"PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS. Dami niyo pang sinasabi! Di na lang i-angat ang isa't isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila. HAHAHAHAHAHAHA!

"Malaki man o maliit, maitim man o maputi. Wala kayong pake kung anong ipopost ng bawat isa. Kung confident sila, bakit hindi? Kung dun sila masaya, bakit hindi? Hindi nila ipopost yun para mabastos sila. Pinopost nila yun kasi proud sila!

"Teka makapag post nga uli ng pwet ko. Para mas lalo silang magalit! BUWAHAHAHAHA


Ganda! Kiray and boyfie Stephan Estopia

"Bawal lumabas! Pero hindi bawal maglabas ng part!

At dahil dyan gumawa pa si Kiray ng album para sa kanyang #PwetSerye

Kahit naka quarantine ay busy pa din si Kiray sa kanyang social media lalo na ngayon naka 1million followers na sya facebook. Congrats Kiray!!!  Tuloy din ang bonding session nya sa family nya at boyfriend sa pamamagitan ng TikTok.

Ivana Alawi: Tinabla si DJ Loonyo dahil sa babae

Ivana Alawi and DJ Loonyo



 Before it even really materialized, magwawakas na nga ba ang love story na inabangan ng Loovana babies? Masasabi ang na rocky ang linggong ito para kay Rhemuel Lunio aka DJ Loonyo at Ivana Alawi dahil nakablock na allegedly ang guy sa social media ni girl.


DJ Loonyo, nabuking na two timer?
Nagsimula ito sa paglutang ng isang third party named Claire Gomez na isang pretty single mom na Tiktoker din. Siya ang napagbuntunan ng galit ng fans at binash siya, with some comments na below the belt like nadamay pa yung pagiging single mom niya.

This prompted her, according to her recent tell-all video kung ano ang namagitan sa kanila ni DJ Loonyo, to reach out to "Rhemz", as she calls him, to clear her name, kasi nauna naman talaga siya.

Nag-Instagram live ang viral sensation and though makikita ang humility niya na inamin niya na itinago talaga niya si Claire Kay Ivana, hindi ako natuwa na masyado niyang parang pinalabas na saliwa ang buhay nitong si Claire at binanggit pa niya talaga na iniinspire niya ito at may lifestyle siyang hindi nagustuhan dito. Instead of owning up to it fully like a man at magfocus sa gusot na siya ang gumawa, maraming beses in-between niya nabanggit si Lord sa pag-guide niya kamo kay Claire at na special si Ivana sa kanya to the point na love na niya, things which could have been better said in private.

I am sure kasi kung binlock nga siya ni Ivana ay pwede pa rin naman niyang iparating ang message via her mom, di ba? Paulit-ulit din niyang sinabi na hindi niya ginagamit si Ivana, na almost 7 million na ang YouTube followers. Never ko naisip ito but ngayon ay naisip ko na because hey, masyado niyang isinasapublic ang affection niya kay Ivana.


Ivana, napasagot ni DJ Loonyo online?

Let's talk about Claire naman. Kaya naglabas siya ng video ay sa kanya na mismo nanggaling na ang goal niya ay hindi para sabihin ni DJ Loonyo na me something sila or what, dahil sa kanya mismo nanggaling na though umasa siya ay alam niyang technically di naman sila, but for the guy to get her name cleared para magstop na siyang i-bash ng Loovana fans.

But, medyo hindi ganoon ang nangyari. Sa mahigit half-hour na live video ni DJ Loonyo ay di naman niya inaddress directly ang fans to stop bullying and bashing on Claire. Yes, inamin niyang 3rd week of March niya start nakachat si Claire at April 7 naman nangyari ang collab ni Ivana, but it did not even get any further than him glorifying himself and saying how he was just chatting with Claire as a friend and to inspire her. In a way medyo nabadmouth pa nga niya si Claire kasi nga he hinted at her na kailangang i-guide sa tamang landas.

Mukhang lapitin talaga si Ivana ng mga two-timer, ano?