Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Bea-John Lloyd: Pinaglaruan ang kilig ng mga fans

John Lloyd Cruz-Bea Alonzo




 Hopia. Fans of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo were disillusioned when eventually they learned that the the whole live Instagram chat between them was the product of an “experimental” cinema entitled “Love Team” written and directed by Antoinette Jadaone.


Bea-John Lloyd,pinaasa ang fans
Sa simula ng chat ng magka-loveteam, iisipin mong hindi scripted dahil parang private conversation lang ang nangyayari between John Lloyd at Bea na parang walang nakikinig at nakatingin sa kanilang dalawa that’s why very raw at tila sila lang ang nagkaka-intindihan sa mga sagot nilang dalawa. 

Pero in the end, sinabi nilang experimental pala ito, testing how cinema would look like in times like these. 

Ang exchange ng messages nina Lloydie at Bea, nandun pa rin ang chemistry at kilig. But of course, pagkatapos ng krisis at pandemic, umaasa ang fans na mapanood nilang muli ang Lloydie- Bea loveteam sa 


isang Star Cinema movie, hindi lang sa isang IG experimental flick. Oo nga naman. 


*****

Christopher de Leon is Covid-19 free. Because he is now healed, Boyet voluntarily donated his plasma to St. Luke’s Medical Center. That way he’ll be able to help save the lives of those who are afflicted by this dreadful disease. For the first time since he was released from the hospital, Boyet made his presence felt via an interview in Ali Sotto and Arnold Clavio’s teleradyo program on DZBB.


Christoper is a COVID-19 survivor
Ayon pa sa premyadong aktor, hindi siya nagdalawang isip magpa-confine nu’ng makaramdam at makumpirma na ng mga doktor niya na siya ay may simtomas ng Covid-19. “When I was diagnosed positive (of Covid-19) I didn’t take it as a death sentence. I put all my faith and favor in God.” 

Say pa ni Boyet, he has never been this prayerful before. Oo, nagdadasal siya pero hindi kasing taimtim at devoted kumpara sa kung ano ang dasal niya ngayon sa Diyos sa milagro at pangalawang buhay na binigay pa sa kanya. He is also thankful that all his family members at mga kasama sa bahay are safe and protected, dahil ‘yun din ang ipinag-alala niya. 

Muli nagpasalamat si Boyet sa mga frontliners na walang sawang nagsasakripisyo at nag-aalaga ng mga may Covid-19. 

*****
 Are you a batang 90’s? If so, siguradong relate at kilig kayo sa pauso ni Janno GIbbs na “That’s Qurantainment”, a music video featuring the 80’s loveteams Ramon Christoper-Tina Paner, Romnick Sarmienta-Sheryl Cruz, Manilyn Reynes-Keempee de Leon na game na game sa pagkanta ng Starship’s hit song, Nothing’s Gonna Stop Us Now



 Aba, trending ito sa iba’t ibang social media platforms huh, kilig at nostalic ang dating sa fans ng mga loveteams kaya bumaha ng comments at requests for more future collaborations pa.

Happy naman si Janno and he thanked his friends for their support. Go, batang 90s!


Derek: Bigay hilig sa gusto ni Andrea

Derek Ramsay and Andrea Torres





 Hindi tutoo na si Derek Ramsay ay not the marrying type.

He’s very confident saying that the ‘special day’ will come true sa  current girlfriend niyang si Andrea Torres ‘very soon.’

Alam ni Derek na ang impression sa kanya ay hindi naniniwala sa kasal dahil marami siyang naging girlfriend. Pangmatagalan naman kasi kung nakipagrelasyon ang aktor at one at a time naman daw kung makipag-girlfriend siya.


Mukhang si Andrea na nga ang pakakasalan ni Derek

May himig pagtatampo ang Kapuso actor when he says, "People think I don’t believe in marriage. He made it clear: "I do. I believe in marriage.”

Ikinasal daw ang kanyang mga magulang at nasaksihan daw niya kung gaano kasaya ang pagsasama ng parents niya kaya gusto raw niyang gawin example ang mga ito pag-ikinasal siya at pumasok sa buhay may asawa.

Kaya ‘di raw siya nagmamadaling magpakasal dahil ayaw niyang magkamali.
He made it sure : “I’m in a very happy place,” referring to Andrea. "I want only a small wedding.

Derek added, "But again, if Andrea wants something bigger, then we have to give her that."



Edward Barber: Biktima ng impostor

Edward Barber



 Warning sa mga basher at impostor ni Kapamilya star Edward Barber!

Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!

Edward, may impostor
Ganito kasi ang nangyari: May isang impostor na nagpakilala sa Facebook na Edward Barber na diumano ay nag-post ng mga message sa kanyang ex-girlfriend.

Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.

Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.

Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.

Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.

Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.

Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.

Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.

Maymay Entrata and Edward Barber
Nag-comment sila ng mga masasakit na salita laban sa may pakana ng pekeng Facebook na pag-aari kuno ni Edward.

Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.

Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.

So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!


Alden: Binuksan ang bahay sa fans

Alden Richards




 Nakipagkuwentuhan kamakailan online si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang fans sa gitna ng enhanced community quarantine. 

Sa kanyang Instagram live, ipinakita ni Alden ang kanyang mga koleksyon, ilang parte ng kanyang bahay, mga alagang aso, at sumagot din ang Kapuso actor ng ilang questions mula sa kanyang mga fans. 


Ikinuwento rin ni Alden na kasama niya ang kanyang ama, nakababatang kapatid, lolo at Lola, at mga kasambahay sa kanilang bahay sa Laguna. 

Siya rin daw ang runner na bumibili ng groceries para sa kanyang pamilya. 

Wish ni Alden na sama-sama nating ipagdasal ang frontliners, ang mga taong maysakit, at lahat ng apektado ng COVID-19 pandemic. 



***

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng ilang Kapuso stars sa mga kababayan nating nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang donation sa GMA Kapuso Foundation. 

Naghandog ng P50,000 each ang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Anthony Rosaldo, at Maricris Garcia mula sa nakuha nilang talent fee sa sinalihang online mini concert. 
Julie Anne San Jose,Anthony Rosalado and Maricris Garcia
“Gusto ko din pong gamitin 'yung voice ko to inspire other people to be positive and to push each other forward and help each other,” sey ni Julie. 

Dagdag naman ni Maricris: “Lagi ko kasing pinagdadasal kay Lord na gawin niya kong instrument sa kahit na anong paraan para makatulong at makapag share ng blessing na ibinigay sa akin.” 

Sey naman ni Anthony: “Ngayon na kaya ko namang tumulong na rin, hindi ko ipagkakait 'yung help kahit gaano katiting, na ibigay sa mga kababayan natin.” 

*****

Magiging Sunday Funday para sa buong pamilya dahil sa offering ng GMA Network sa May 3.

“Everything is awesome!” ang sigaw ng hit 2014 computer-animated comedy film ‘The Lego Movie’ on Kapuso Movie Festival. 

Based on the Lego line of construction toys, it tells the story of an ordinary Lego minifigure who finds himself helping a resistance to stop a tyrannical businessman from gluing everything in the Lego world. Watch his exciting journey and adventure in saving the Lego universe. 

Susundan ito ng Kapuso Movie Festival’s second feature na ‘Batman v Superman: Dawn of Justice.’ 

Witness the crossover of two of the most-loved superheroes in DC Comics 2016 film starring prized actors Henry Cavill and Ben Affleck. 

Catch the return of the iconic fantasy-comedy film series starring Vic Sotto in ‘Enteng Kabisote 10 and the Abangers’ on GMA Blockbusters. 

Ito ang ika-10th movie installment based on the television sitcom ‘Okay Ka, Fairy Ko!’ Sumama sa adventure ng real world at sa mundo ng Encantasia!

Balik naman tayo sa taong 1998 with Ang Kilabot at si Miss Pakipot starring Rommel Padilla and Rita Magdalena on Sunday Night Box Office (SNBO). 

After serving his sentence, ex-convict Carding (Rommel) seeks his cousin's home for a fresh start. Things become complicated when a drug syndicate runs a drug trade in that place.

Huwag mahuli sa family bonding with Kapuso Movie Festival after iBilib, GMA Blockbusters after Dear Uge, and SNBO after The Boobay and Tekla Show, this Sunday, only on GMA-7. 

Ang Tutoong Reyna: Sino kina Roderick, Vice at Paolo ang aawra?

Roderick, Vice and Paolo



 Now that it is the second day of May,   aside from the onslaught of rains, all of us are looking forward to our normal lives, especially the pre-enhanced community quarantine and pisting veerus season.
Sino ang mas aawra kanino?
Please, let us not even embrace the “new normal” and all together, we act as

Let us not accept and refuse to believe and succumb to what they proclaim in major television news programs, broadsheets, radio shows, portals and other sources of information of what is about and set to happen. It is imperative that we reject this mind conditioning because it will not be helpful to live in a situation wherein you are constantly reminded of the helplessness we are all in and the reprimands and punishment that comes with it if we do not follow this and that guideline or sets of rules and subscribe to this point of view.




What we need and must do, pray even more diligently and incessantly so that prior to the arrival of the end of the 3rd Q season, the cure is out and available, with stamp of approval from the World Health Organization, being used to heal and strengthen all the PUIs, PUMs and those with the COVID-19 virus affliction.



Kaya nga ang inyong Divalicious kolumnista, mas cheerful showbiz ganap na ang inaabangan at isa nga dito ay ang proyekto ni Direk Joel Lamangan na tituko pa lang, kaka-intriga at pngabog na, “ Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.”


Si Kuya Dick ang naunang 'Reyna'
Paano nga masasabing birhen pa ang isang beki? Wala pa siyang karanasan sa pakikipag-laplapan? Hindi niya pinaglalaruan ang kanyang sariling ari-arian? Ang fellation, hindi niya pa kayang gawin at maduwal-duwal pa siya at inululuwa at hindi nilulunok ang milk of human kindness? At ang anal sex, ay a big no-no for him dahil pakiwari niya virginity ang greatest gift na kanyang pwedeng ialay sa kanyang future hombreng esposo?

Sina Vice Ganda, Paolo Ballesteros at Roderick Paulate ang pinagpilian ni direk Joel na magbida sa nasabing pelikula, My dear Blahbers, kung kayo ang magiging casting director, sino sa tatlo ang may K na maging huling baklang birhen?

Hindi naman patatalo si Paolo
Parang ligwak agad si Jose Marie kasi nga sa tatlo, siya ang pinaka-maingay, malantod at balahura ang packaging. Araw-araw, babai-babaehan ang kanyang drama sa noon time show na isa siya sa mga host at kahit saan anggulo tignan, kahit hindi kagandahan si Vice lalo na pag walang make up at wig, hindi na siya mukhang inosente at fresh at dahil nga mayaman ang hitad, sure na sure tayong lahat na marami na siyang karanasan lalo na nga’t andiyan lang ang jowa niyang si Ion Perez.
Pwede siguro si Paolo B. lalo na kung ang Queen of Make Up Transformation iwawangis ang look niya sa santa na ginawa na niya sa isang eksena sa pelikula nila ni Martin del Rosario.

Kung kay Roderick, mas pasok na pasol dahil effortless sa mahusay na actor ang umarteng matimtimang birhen na handa at kayang umiwas na lumuhod, umupo at tumuwad mapanatili lamang na busilak at dalisay ang kanyang pagkatao. Nakikinita-kinita ko na kung gaano ka-riot ang pagtanggi at pag-iwas ni Paulate sa tuksong lalapit at papalibutan siya.


Si Vice kaya kahit nawalan na ng ningning?
Sa leading men, maliban kay Perez para kay Ganda, parang hindi mahihindian ni  Queen Bayot si Zanjoe Marudo o Zeus Collins.

Kay Ballesteros, dahil matangkad ito, dapat ang mang-aakit sa kanya si Dingdong Dantes o kaya ang manibalang na si Gil Cuerva.

Para kay Roderick, time and tested na ang partnership nila ni Tonton Gutierrez and yes oh yes, bagay rin na si Piolo Pascual ang maging kapareha ni Paulate dahil pareho silang award winning actors, hindi ba naman?




Bea-John Lloyd:Tumitiboktibok at totohanan na

John Lloyd Cruz-Bea Alonzo




It has been five years since the movie “A Second Chance” was shown on the big screen. And it was more than a decade when the movie “One More Chance” was premiered to every cinema. Still, the Basha and Popoy love story is a click to every audience who have watched the movie. Parang ang hirap maalis ang character ni Basha and Popoy kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Bakit nga ba?

Well, hindi man ako ganun ka faney ng dalawa ay masasabi kong isang napaganda chemistry na swak na swak sa balde ang kanilang tandem. Kung ang mga hindi faney ay hook na hook sa kanilang love team, eh pano pa kaya ang mga number one faney. Just recently ay nag-viral ang dalawa sa kanilang socmed kulitan. Ito ay ang kanilang palitan ng mga messages na talaga naman kakilig-kilig na parang sugar at honey sa sobrang tamis. Ano nga ba ang reason bakit bet na bet pa rin ang tambalang Basha and Popoy?

John Lloyd Cruz loves Bea, Popoy loves Basha

Siguro kung na-meet mo na ang dalawa in person ay masasabi mo rin “ah kaya pala,” dahil sa totoo lang may mga napuna ako sa kanilang mga aksiyon at awra kaya masasabi ko na talaga nga namang windang ang lahat sa love team nila.


  • Ang mga mata ni John Lloyd at Bea ay talaga namang nangungusap, hindi lang between the two of them but also to the audience who watches them. Parang may pang-hypnotize ang kanilang mga mata para kiligin ka rin sa kanilang mga eksena.
  • Fake ang acting nila…. Kasi naman parang totoo na talaga at madadala ka sa bawat eksena nila.
  • Sincere sila sa isa’t isa kahit sabihin pang eksena lang yan.



Long overdue kung magkatuluyan man

So, ano ba sa tingin nyo ang aking observation, truth nga ba o pinaglalaruan lang ang aking mga mata?

Precious Lara Quigaman : Isang magaling na kontrabida

Precious Lara Quigaman





 The Killer Bride is probably one of the very successful suspense thriller TV series that has been aired in the entertainment industry. At talaga naman naging trending ang maraming eksena ng TV series na ito na kung saan pinagbidahan ni Maja Salvador. Alam naman nating lahat na isang magaling na aktres si Maja, pero ang ating story ay hindi iikot kay Maja kung hindi sa kanyang surprise villain. 

Not just a beautiful but alsof ace but also a talented actress

Yes, surprise villain dahil kung may nakahula man kung sino ang talagang kalaban ni Maja ay magaling siya pero sa karamihan naging parang isang crossword puzzle and istorya ng The Killer Bride. At ito ay dahil sa villain dito. Sino nga ba ang effective villain na ito, well walang iba kundi si Precious Lara Quigaman na talaga namang effective na ginampanan ang pagiging mystery killer. Sa pagkaka-alam ko ay meron din siyang naging character na mystery killer yong High ng iWant series. 

 
Lara with Kuya Boy Abunda in TWBA

Pano ko ba nasabi na effective siya na mystery or rather surprise villain? Well, ito lang naman ang aking observation, Precious has a very lovely face, maamo kung maamo ang kanyang mukha kaya naman walang mag-aakala na meron pala siyang tinatagong ibang personalidad sa maamong mukha. Pangalawa sa aking obserbasyon ay bagay sa kanya ang ganung role, yong tamang nagkakaron siya ng dual personality. Parang tulad din sya ng isa sa favorite ko na serial killer 
 story na Dexter. Epektib talaga dahil halos lahat ng tao that time ay kinaiinisan na siya. So, she did play her part pretty well.

Kaya kung malinya man si Precious sa ganitong genre ay siguradong patok na patok.