Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Robin Padilla: Biktima ng Fake News

 



 

Fake News ang balitang nagka-COVID-19 si Robin Padilla at misis niya na si Mariel Rodriguez

"Common flu lang. Ok na," mensahe niya sa amin thru our regular correspondence. "Mahirap magkasakit ," dagdag pa niya sa message niya sa amin.

He can't afford na magkaganun(magkasakit), lalo pa't muling aktibo siya sa kanyang community work at sa dalawang bagong television shows ng NET25 on agri-business, livestocks and small businesses like pagawa ng kakanin, food (karideria), etc na "Unlad' Kaagapay sa Hanapbuhay na devcom para sa mga kababayan natin na kailangan ng tulong impormasyon na napapanood every Sunday at 7:00PM and Saturday at 9:00 in the morning na nagsimula noong July of this year.


Last Sunday, September 27 ay may bagong musical sitcom na ini-launch ang istasyon na siya ang main host together with Vina Morales and Pilita Corrales titled "Kesaya Saya" na mapapanod naman at 6:30 in the evening.

*****

Ang ganda ng unang sultada ng Kuwentong Sandaan series kung saang nagbibigay pugay ang FDCP sa pangunguna ng kanilang Chairperson @lizadino sa mga living legends ng pelikulang Pilipino at ng industriya. Nakakatuwa ang kuwento ng beterang aktres na si Ms. Gina PareƱo tungkol sa pagsisimula niya bilang isang extra sa pelikula hanggang sa dumating ang takdang panahon niya bilang isang bida.

 Congratulatios FDCP sa effort ninyong ito in selebrasyon ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino at sa Isang Daang Taon pa ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang FDCP! 

Bukas, Wednesday ay mayoong dalawang oras na selebrasyon ang FDCP para sa pagtatapos ng sandaang taon ng pelikulang Pilipino at ang pag-welcome naman ng #SineSandaanNext100 with an online concert featuring Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Lea Salonga to name a few.

The show starts at 8:00PM at mapapanood online sa Facebook.com/FDCPPH. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Good work FDCP!
 
*****
Tama lang na idinemanda ni Liza Soberano ang isang netizen para malaman ng mga gumagamit ng social media na may responsibilidad sila sa mga ipino-post nila na opinyon na kung hindi sila maingat ay pwede sila mademanda at makulong. Sabi nga "Think Before You Click!"
 
Kaya sa mga netizens na walang pakialam na akala nila ay kahit sino ay pwede na mag-rant ay hinay-hinay at baka kayo mademanda ng cyber libel.   
 


Kanya-kanyang awra sa panahon ng COVID-19

Dingdong Dantes, Ai Ai delas Alas at Kara David



 Sa public service announcement ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay ng impormasyon tungkol sa COVID-19 at kung paano ito maiiwasan, tampok ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. 

Kuwento ni Dingdong sa eksklusibong panayam ng 24 Oras:

“Kinontak ako ni Liza DiƱo ng FDCP as well ni Pepe Diokno 'yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon. Ipinakikita 'yung pinaka-basics, kung ano 'yung mga dapat gawin para malimitahan 'yung risks of having COVID-19. 'Yung mga simpleng bagay na gano'n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay.”


Dingdong at Marian Rivera, nagsama sa COVID-19 project
Dagdag na kuwento pa ng ‘Descendants of the Sun’ lead actor, katulong raw niya sa pag-shoot ng clip ang asawang si Marian Rivera-Dantes.

“Siya 'yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu'ng tandem namin pagdating sa ganu'n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”

Muling mapapanood ang 2010 teleserye ni Dingdong na Stairway To Heaven simula sa Lunes, May 18 sa GMA Afternoon Prime.

*****

Biru-biruan sa ating mga Pinoy na pagkatapos ng ECQ ay marami na sa atin ang ga-graduate na chef dahil sa dalas nating magluto sa kusina. 

Ang nakatutuwa pa rito, dahil na rin sa halos lahat tayo ay limitado lang din ang pwedeng mailuto, umiral ang Pinoy ingenuity sa paghahanda ng ating mga pagkain. 

Kaya naman ang GMA News TV program na Pinas Sarap, may bagong paandar online—ito ang ECQusina: Pinoy Kusina Stories Ngayong Quarantine. 


Kara with daughter Julia
Ang ECQusina ang latest online series ng Pinas Sarap kung saan itatampok ang ilan sa mga nakaaaliw na dishes na gawa sa mga special food item na bumida ngayong tayong lahat ay stay at home.

Ang Pinas Sarap host nga na si Kara David, ibinahagi kanyang ECQusina story sa last Thursday (May 14), sa Facebook page ng programa. 

Ano kayang putahe ang ihahanda ni Kara at anong food item na bumida ngayong quarantine ang gagamitin niya? 

Bukod kay Kara, abangan ang iba pang personalities na magsi-share ng kanilang ECQusina story. 

Tutok na sa FB page ng Pinas Sarap!

*****

Marami ang napabilib kay Ai-Ai delas Alas dahil sa kabila ng pinatupad na enchanced community quarantine sa Luzon ay nakahanap ito ng bagong mapaglilibangan at mapagkakakitaan. 

Kahit na naka-lockdown sa bahay, nakahanap ng sideline ang Comedy Queen at ito ang pagiging baker. 

Ginamit niya ang kanyang culinary skills at tinayo ang business na ‘ Martina’s Bread and Pastries.’ 

Hindi lang komedyante, baker na rin si Ai Ai
Ang pinakasikat niya na product ay ang ube pandesal na patok na patok sa kanyang mga customers. May isang netizen pa  nga ang kinumpara ito sa isang Japanese pastry. 

Malaki naman ang pasasalamat ni Ai-Ai sa lahat ng tumatangkilik sa kanyang mga produkto.




“Nakakataba ng puso ang level namin ay pang-Japanese store na. Salamat po. To God be the glory.” 

Dagdag pa ni Ai-Ai, buong pamilya raw niya ang katuwang niya sa paggawa ng lahat ng kanilang produkto kaya made