Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Frankie Pangilinan: Gandang may Paninindigan na Lumalaban

Frankie Pangilinan


 Frankie Pangilinan, daughter of famous parents Megastar Sharon Cuneta and Senator Kiko Pangilinan, has blossomed into a tough young lady. Sa murang edad, aktibo na si Frankie sa social media pero in fairness, makabulahan ang mga puntong dini-discuss niya. 


Gandang may tapang at lumalaban
She’s been vocal about her views on political and social issues. What’s amazing is that she is only 19 years old! For a teenager to be socially and politically aware of what’s going on around her and to show concern for others in need speaks volume of her character and what she is destined to become in the future.

Recently, naging laman ng balita ang panganay nina Sharon at Sen. Kiko dahil sa kanyang reaksyon to a news report of a social media post from a police station in Lukban, Quezon that was victim-blaming women, na diumano’y dapat iwasan na raw ng mga babae ang pagsuot ng pagkaikli-ikling damit para hindi mabastos. 
  Kinontra ng dalaga ang pahayag na ito at sinabing hindi dapat palitan ang mga kasuotan ng mga kababaihan kundi ang kaisipan ng mga kalalakihan na huwag magbigay ng malisya at mag-isip ng masama sa mga babae. Dito nag-uugat aniya ang rape. sabi ni Frankie: "Stop teaching girls how to dress?? Teach people not to rape”.

Sinundan naman ito ng mga post ng beteranong radio broadcaster/ journalist na si Ben Tulfo na tinawag pa si Frankie na “hija” at “the wannabe smart alec” at sinabi pang “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast”. 

Frankie with mom Sharon
Denepensahan naman ni Frankie ang kanyang stand against Mr. Tulfo’s post at sinabi na the way anyone dresses should not be deemed as an opportunity to sexually assault them.

This battle has gone a long way. 

Frankie on the other hand has gotten many supporters especially from women all over the world standing up and fighting for the right to be heard against rape, sexual assault and other similar cases. Rape is a heinous crime!(True!-Ed)

It is not about what a woman wears or how she dresses up. It is about a man’s character, his morals. The way he thinks. If he puts malice and has the intent to rape a woman regardless kahit ano pa ang suot nito -- gagawin pa rin ng salarin.

Habang may malisya at maduming kaisipan ang isang tao, patuloy na magkakaroon ng krimen na rape. At ito ang punto na ipinaglalaban ni Frankie! 


Frankie is matapang at may paninindigan
Eto na, sa gitna ng kontrobersiya nina Frankie at Ben Tulfo, isang nagngangalang Sonny Alcos ang biglang bumulaga sa social media. Nag-comment ang may edad nang lalaki sa isa sa mga posts na kung 12 yrs old daw lamang siya, hahanapin daw niya si Frankie para I-rape. At hindi daw siya makukulong dahil sa batas na ginawa ng tatay ni Frankie na Juvenile Justice Law. Kakalokah to the highest level ang taong ito!

Pero hindi ito pinalampas ni Sharon. Sa tindi ng galit ng Megastar, hina-hunting ni Sharon ngayon ang taong ito para papanagutin ang super libelous niyang threat kay Frankie. Sumabog sa galit si Sharon, at sa kanyang Instagram posts, napag-alamang London based pala ang taong ito.

Nakasampa na sa DOJ ang pormal na reklamo kay Sonny Alcos at ang latest ay na identify and at na trace na daw nila ang kinaroroonan nito.

Because of her strength of character, hindi maiiwasang maikumpara si Frankie sa ibang teenagers na tila walang ginawa kundi kumutkot ng gadget o magpasaway sa kanilang magulang.

She has become a brave and intelligent young lady who is not afraid to face the world because she knows how to play the game of life.

Hindi rin siya ‘yung takaw atensyon. Low key lamang ang dalagang ito, nagkataon lang na may mga punto siyang ipinaglalaban.Kaya boooom! (Mabuhay ka Frankie!-Ed).



Halo-halo na ang mga biktima ng COVID-19

Angel, Sen. Koko,Prince Charles and Tom 




Nakaka-praning ang COVID-19. Ilan na mga taga-showbiz na ang apektado. May mga frontliners na mga namatay dah sa pandemic na virus.

Una nag-comeout sa showbiz para aminin na infected siya ng coronavirus ay ang aktor na si Christoper de Leon na sa kasalukuyan ay nagpapagaling at out of danger na.


Prince Charles and Camilla. Is she also infected?
Ang mga Hollywood stars na sina Tom Hanks at asawa na si Rita Wilson na infected ay ligtas na ang kalusagan since last week. Na-infect sila sa Australia.

Si Prince Charles of Wales ay infected na rin at marami pang iba.

Si Senador Migz Zubiri nag-self quarantine, kumpara sa gagong si Sen. Koko Pimentel na alam naman niya na infected siya ay inilagay sa kapahamakan ang mga doctors, nurses at hospital staffs ng Makati Medical Center na kinukutusan at bina-bashed ngayon ng mga netizens sa pagiging iresponsable at paabaya,kumpara kay Sen. Sonny Angara na infected din pero on self-quarantine kaya hahanga ka sa pagiging responsable niya.


Si Angel Locsin na celebrity endorser ni KOKOTe ay nagsisisi sa suportang ginawa nya noong nakaraang eleksyon. Maging ang aktres, napahiya sa ginawa ng palpak na mambabatas na hindi man lang ginamit ang common sense sa ginawa.



Senators Kiko Pangilinan, Lito Lapit and Nancy Binay
Dahil seryoso ang COVID-19 at hindi biro, ang ilan sa mga senador natin tulad nina Nancy Binay, Lito Lapid, Imee Marcos, Kiko Pangalinan ay kusang sumailalim na rin sa self-quarantine para makasiguro na wala sila mahawahan. Si Congressman Eric Yap ay infected din na pumsok pa sa Malacanang kahit alam na niya na dala-dala nila ang virus.

Ang aktor na si Menggie Cobbariubias ay nadale at namatay kahapon, Thursday matapos kami nakatangap ng panawagan na ipagdasal na mailigtas ang aktor sa nakamamatay na coronavirus the night before.


Iza Calzado and Sir Menggie Cobarrubias
Ang aktres na si Iza Calzado ay hinihintay ang resulta ng COVID-19 test sa kanya na ayon sa private message sa amin sa FB ng manager niya na si Noel Ferrer ay nanawagan ito ng dasal para sa alagang si Iza.

Sa nangyari ngayon sa mundo dahil sa coronavirus, tila lalo tumataas ng bilang ng mga infected at mga namamatay araw-araw.

Hopefully, maging maganda an resulta ng quarantine na isinasagawa ng pamahalan sa kabila ng mga taong pasaway  na makakati pa rin ng mga paa at tumigil sa bahay para iwas sapagkahawaor makahawa sila. Maging back to normal na sana ang lahat bago mag-April 14(or April 15).