Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Kris Bernal, nganga ang showbiz career

Kris Bernal


After "Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko", an afternoon prime show with Rayver Cruz, Maegan Young and Kim Domingo last October 2019 wala pa rin show ang Kapuso actress na si Kris Bernal ngayon. Bakit kaya?

Well, kahit walang show at ganap ang Kapuso actress sa TV ngayon, naging super busy pa din sya sa pagpasok ng 2020. Super excited si Kris sa kanyang bagong produkto ng SHE cosmetics, SHE Crystal Cushion. Kauna-unahang produkto ito dito sa Pilipinas kaya naman grabe ang pag--asikaso nya dito. Sobrang hands on ni Kris pagdating sa kanyang cosmetic product, siya mismo ang pumipili at nag-approve ng mga detalye para dito.


Tutok sya ultimo sa social media account at pag promote ng produktong ito kaya naman labis ang tuwa nya sa mga nag popost nito. Inamin nyang madami syang pinadalhan ng product na ito mapa-artista at influencer at hindi nya naman lahat in-expect na mag-post. Kaya labis ang tuwa nya sa mga sumusuporta sa kanya.

Pinaghandaan din nya ang muling pagbukas ng House Of Gogi sa mas may magandang lokasyon ngayon sa Banawe St..na mas marami ang mao-offer. Business partner pa rin nya ang kanyang fiancee na si Perry Choi.

Last month, nag YES na si Kris Bernal sa proposal ni Perry na ginanap sa mismong birthday party na hinanda ni Kris para sa kanyang boyfriend. Ayon sa kanya, sa May 2021 ang kasal nila, kaya need na rin niya sisimulan ang wedding preps. Medyo hindi pa sya aware sa mga dapat nyang gawin para sa buhay may-asawa.

Last week, mukhang ready na si Kris at Perry at inuuna na ang kanilang magiging bahay. Nag-ikot sila at tumingin ng mga bahay para magka-idea sila sa ipapagawa nilang bahay.


Kris with fiancee Perry Choi
Ayon kay Kris, wala naman syang plano tumigil sa showbiz kahit na mag-asawa sya. Ang tanong na lang is "Ano na ang plano nila ngayon sa career ni Kris?" Buti na lang at busy sya sa kanyang pagiging business woman. Suportahan natin si Kris, i-follow nyo lang ang @shecosmeticsph at @houseofgogiph para sa updated pa din kayo kay Kris Bernal.

Barbie Forteza, pinaglaruan ang mga kapwa artista

Beautiful Barbie Forteza




Kaaliw ‘yung balitang tinarayan ni Barbie Forteza ang mga staff and crew ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. May video pang makikitang sinisigawan ng aktres ang lahat sa dressing room at pinalalabas. 

Nagmamadali namang umalis ang mga staff at co-stars niya including Cai Cortez and Kate Valdez. ‘Yun pala ay kiyemerut lang ang video dahil for TikTok pala ito, ang bagong kinahuhumalingang social networking service used to create short lip-sync, comedy and talent videos. 


Ito pala ang libangan ngayon ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ayon kay Barbie, si Cai raw ang unang nag-introduce sa kanya ng TikTok. Kaya naman sa taping, ang TikTok ang pampalipas-oras nila at lahat daw ng staff ay nakiki-cooperate. “Masaya rin siyang gawin,” sey pa ni Barbie. Sa iba pang TikTok videos na ginawa nila ay makikita ring nagsasayaw sina Kate, Cai, Benedict Cua at Direk Mark dela
Cruz.

in fairness,nakakatuwa panoorin ang mga celebrities na nagti-Tik Tok.Happy!