Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Alden Richards Adik sa ML

Alden Richard




 Kapag narinig mo ang name na Alden Richards, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo usually ang next proper nouns na unang maiisip mo? Kapag Mobile Legends  ML naman isa sa common nouns 'o most searched words na kasunod nito ay "lag", o ang pagiging slow ng game leading to kawalan ng kontrol dahil sa problematic internet connection.

Kilala si Alden na kalmadong tao at good boy ang image. All of his projects aside from 1 film ay mabait ang role niya.
 
Larong ML na addict si Tisoy

For anyone na into the games, medyo common na kapag may nakakainis na nangyari sa laro like may kakampi kang di team player o "lag" ka kaya di mo mamaximize ang skills ng hero mo, pwedeng umabot sa extremes like magmura ka o maibalibag mo ang mga bagay sa paligid mo tulad nung sa isang unboxing video.

But, not Alden Richards. Ang maganda sa gaming streamers o yung mga nag-livestream ng games na ginagawa na ni Tisoy ngayon under his own brand, AR Gaming, ay hindi mo mapepeke ang reaction mo unless siguro sociopath levels ka na sa galing mo mameke ng emosyon.

For me, you can tell so much more about a celebrity na nag-livestream ng games kaysa sa isang interview, ambush man ito. After all, may usual questions and celebrities with handlers, like Alden, are trained to answer them.

Noong una ay ayaw imention ni Alden ang internet service provider nila although two or three times na niyang nabanggit na "red ping" siya o problemado sa internet signal. Eventually, still in a classy manner, he mentioned it at tiim-bagang na binanggit na nagbabayad siya ng maayos so dapat ayusin nila ito. He didn't shout. He was just firm about it. "Grabe, wag naman tayong lag ngayon PLDT," he said.

May nagupload ng snippets ng PLDT hanash niya so better check this out: https://youtu.be/Jo0aCI4vKd0
 

Nag-level up na sa kanyang gaming hobby


Almost 4 hours ang livestream na I think lumagpas sa target niya na three hours so yung mga pa-raffle niyang gadgets imbes na live ay sa Eat Bulaga kinabukasan na lang dinraw. Yes, ganyan siya kaseryosong gamer.

Natalia ang ginamit ni Alden. Sa five main roles kasi sa ML na marksman, mage, fighter, assassin, and tank, eh assassin class ang minaster niyan. Assassin si Natalia and so is Gusion, ang main hero niya dati about 6 months ago when I interviewed him for 'The Hows of Us".

First time ko manood ng stream niya ng buong game at di yung tipong pasilip-silip lang ng a minute or two. I can say he is funny, gets alongs well with a team, and most importantly, sobrang galing maglaro.

Gaano kagaling? Well, imagine lag siya 5-1-8 and KDA niya sa isang portion ng laro na kunot-noo siya because of the inconvenience. Ang ibig sabihin, 5 kills, 1 death, and 8 assists siya during that time.

So, Choox TV, at AkosiDogie, humanda na kayo!

*****
Bukod sa pagiging rising COVID-19 hotspot sa Asia ng bansa, rising hotspot din tayo ng BL series na bigla na lang nagsulputan na parang mga kabute.

A few days ago lang ay nag-trending ang 'Sakristan' ni Darryl Yap sa Twitter dahil sa emotional na episode 6 nito.

My Extra Ordinary, another Pinoy BL showing very soon
Isa sa pinakaabangan ng marami kasabay ng rebranding ng TV5 as One TV ay ang pagstart ng 'My Extra Ordinary', isang Pinoy BL series coming this 2020. Main cast members dito sina Darwin Yu (Shake), Enzo Santiago (Ken), and Karissa Toliongco.

Handog ng Asterisk Digital Entertainment, shooting will start on July 12 under the direction of Jolo Atienza.

 
The story revolves around the amnesia of Shake and how he meets Ken na tutulungan siya marecover ang memory niya.








FRESH: Enzo Santiago bibida sa teleserye inspired by a Thai TV series

Enzo Santiago of Asterisk Artist Management



18 new artists ang ipinakilala ng Asterisk Artist Management  last March 1 in Alabang, Muntinlupa City.

Ang Asterisk Artist Management na pinamumunuan ni Kristian Kabigting ay ang talent arm ng Asterisk Digital Entertainment.

Isa sa mga artist ng Asterisk ay si Enzo Santiago na fomer artist of Asian Artist Agency. Unang napanood si Enzo sa LGBT theme web series na "Young Love." Isa rin siya sa mga bida sa isang teleserye na produced ng SMAC Television Productions.

This 19-year-old newbie will surely capture your heart as he is set to star in two upcoming TV series on TV5, A Kiss To Remember and My Extra-Ordinary na inspired ng isang hit Thai series. Sa nasabing series, makaka-love triangle niya sina Karissa Toliongco at Darwin Yu na mga artists din ng Asterisk. Maliban sa TV series, magiging part din siya ng isang online digital travel vlog show, The Amazing Adventures together with his co-artist, Axel Torres.

Ngayon pa lang, apple of the eye na ng mga kababaihan at mga sissies nating gays si Enzo matapos siya mapanood sa vlog ni Mr. Fu.

 Good luck Enzo and welcome ro showbiz.