Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

ALL K: Lee Min-Ho is back

Lee Min-Ho


 Kilig-to-the-bones ang mga K-fans lalo na mga millennials once may bagong K-drama ang actor o di naman ay pelikula. 

Ang talent fee ni Lee ay $59,000 per episode. Kaya kung mas mahaba ang episodes mas malaki ang kita. 

Kung si Lee ang tatanungin mas prefer niya ay maging isang professional football player but he was injured on his high school days kaya hindi natuloy ang kanyang ambisyon. 

Lee Min-Ho is one of the highest paid K Actor

Si Leonardo DiCaprio ang hinahangaan niyang actor. And he wants to work with him someday.  

Like our own actress Angel Locsin, isa ring humanitarian actor si Lee. Isa siya sa sponsor ng PROMIZ Complete Knock Campaign na tumutulong sa African children. 

The project is inspired in consideration of families and children suffering from water shortages. 

Dagdag pa rito ang pagiging member ni Lee sa UNICEF Honors Club. 

Nagdonate siya ng 100 million won para  pang-suporta sa mga low-income families at underprivileged children as well as searching 


for places that need help such as disaster relief funds.  

Kamakailan ay nagdonate ng 300 million won ang Korean actor for COVID-19 relief operations despite na nahinto sa pag-aartista. 

But this month of July, Lee Min Ho is back to the limelight via The King: Eternal Monarch. 

Lee is excited to be back with a new project
Sabi ni Lee sa isang interbyu, “It means a great deal to me that I get another opportunity to work after maturing more as an actor.” 

Ang tatlong taong pagkawala ni Lee sa showbiz ay ginugol niya sa military. 

“I did take a lot of time thinking about what kind of drama I wanted to do for my comeback after my military service.” 

Nagwo-worry daw siya, pero excited. “Thank you so much to my fans for your patience and I will try to give back with my very best.”   

Ang The King: Eternal Monarch ay nag-pilot episode na last Friday sa Netflix at mapapanood ang weekly episodes every Friday and Saturday.


ALL K: Park Bo Gum, nabaon sa utang

Park  Bo Gum



  Si Park Bo Gum ay isa sa pinakasikat na Korean actor sa kanilang bansa.Nasa peak siya ng career nang dumating ang malaking pagsubok sa kanya bilang isang artista.
Kaya nag-file siya ng bankruptcy when he was just 22 years old.

Nabaon sa utang dahil sa ama

His father borrowed money sa isang lending firm gamit ang kanyang pangalan as a guarantor.

Dahil mahusay na actor, madaling naisalba ni Park ang showbiz career.
Unti-unti ay nababayaran niya ang lumalaking utang ng ama dahil nagkapatong-patong ang interes.

Ang isa sa pinaka-memorable K-drama ng Korean actor ay ang Love in the Moonlight wherein he played as a Joseon crown prince aired 2016 kapareha si Kim Yoo Jung.

ALL K: Hyun Bin is an actor of few words

Hyun Bin 





 For all we know, ang sikat na Korean actor na si Hyun Bin ay ang dating si Kim Tae-Pyung.

this is his real name na pinanganak sa Jamsil-dong, Seoul nu’ng September 25, 1982.
He started in showbiz gamit ang totoo niyang pangalan, Kim.


Pinoy goes gaga over Hyun Bin
Dream na niya ang maging isang detective when he was young. Kaya when the movie Confidential Assignment came as a role of North Korean special investigation agad niyang grinab ito dahil ‘yun ang katuparan ng kanyang childhood dream.

Hindi sinusuportahan si Hyun Bin ng mga magulang dahil nakikita nilang hindi marunong umarte ang anak. They gave him an ultimatum: to enroll successfully in one of Korea’s best universities for acting, Chung-Ang University, or pursue a more viable career. 

Fortunately, Hyun Bin made it in and became one of Korea’s most recognized actors in
2004 when Hyun Bin won Best New Actor given by the MBC Drama Awards via Ireland TV show.
Hyun Bin served the Korean military as a marine
From there on nagkasunud-sunod ang proyektong dumating sa Korean actor. When he made a romantic comedy, Secret Garden in 2010 lalong dumami ang fans ni Hyun Bin kung saan body-switching ang kanyang character at minahal siya ng fans for his loveable oppa personality.

The show’s popularity also cemented his name in the minds of K-drama fans worldwide.


Tulad ng mga South Korean men, pumasok din si Hyun Bin sa army from March 2011 up to December 6, 2012 with a total of 21 months.

He was in the marines, and was even named as an exemplary soldier. Nakatulong sa Korean actor ang real-life experienced sa role na ginampanan as a soldier persona sa Crash Landing On You,

Sa interview ng KBS World ay nabanggit ng actor na he had spent his twenties playing various characters gamit ang real name na Kim Tae-Pyung.


Guwaping, is one reason why Filipinos love him
And that was the time to bid farewell to Kim Tae-Pyung and welcome Hyun Bin.
Korea Times described Hyun ‘is an actor of  few words.

Kung ano lang daw ang tanong ay ‘yun lang ang sasagutin. Ma-sekreto raw kasi ang actor.
Kapag hindi siya busy ay mas gusto pa niyang mapag-isa kesa uma-attend ng showbiz gatherings.


Naging miyembro rin ng rock ballad band na Buzz si Hyun at muntik nang maging lead vocalist. He choose to be an actor than to be a singer.

Hindi ang CLOY ang unang pinagsamahan nina Hyun Bin at Son Ye Jin kundi sa pelikulang The Negotiation year 2018.


Hyun Bin might visit the Philippines soon

When the Korean actor interviewed, he said, may times na may gusto raw siyang gawin.
“I want to do just minor, trivial stuff, things that I can do without worrying about the eyes of others.”

Hangga’t maari ay iniiwasan ni Hyun na may drinking scene siya sa proyektong ginagawa.
Hindi raw kasi siya high drinker. Though nakaka-consume siya ng one bottle after that ay namumula na ang buo niyang katawan dahil allergy sa alcohol.

The latest news about Hyun Bin ay pupunta sa ‘Pinas to do some commercials.at speial appearances for a local clothing brand



   




ALL K: Korean Actresses, sikat pa rin kahit may mga edad na

Kim Tae-hee, Son Ye-jin and Gong Hyo-jin



 Magaganda pa rin ang mga Korean artistas na ipinanganak nu’ng 1980s. Sila ay nasa late thirties at early forties na kung bibilangin mo ang mga edad nila ngayon.

But their looks don’t show their age. Mas nakikita sa kanila ang husay sa pag-arte na lalo pang nadadagdagan kahit taon na ang lumipas.


Kim Tae-hee
Narito ang mga listahan ng Korean actress at kung saan sila napanood.

Si Kim Tae-hee, na ang huling project na ginawa ay ‘Hi Bye, Mama!” isa sa best family drama ngayong taon.

Pansamantalang tumigil sa pag-arte si Kim sa loob ng limang taon.

Hinangaan siya sa kanyang role bilang evil stepsister sa ‘Stairway to Heaven,’ ang naghit na Korean drama nu’ng 2003 hindi lang sa Korea kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Nabigyan si Kim ng lead role sa Forbidden Love nu’ng 2004, Iris (2009) at ‘Yong-pal’ nu’ng 2015 kung saan siya ang winner sa top acting awards sa Korea.


While Son Ye-jin ay nagbabalik after ng five-year break niya in acting nu’ng 2018.
Napanood siya sa Netflix sa series na ‘Noona Who Buys Me Food’ kung saan napakaraming commercial ang pumasok.


Son Ye-jin
Nasundan agad ito ng another Netflix series na ‘Crash Landing On You’ 2019 ka-partner si Hyun Bin which is hanggang ngayon ay pinag-uusapan maging ng mga celebrities dito sa Pilipinas.

During the early days of her career ang mga fans ay head-over-heels kay Son kaya tinawag siya ng mga ito na ‘Nation’s First Love’ sa Korea.

Ang mas nakapagbigay ng hallyu status sa actress ay ang kanyang performance nu’ng 2003 sa drama na ‘Summer Scent’ which is part ng ‘Endless Love’ series.

Kilalang mapili sa mga projects si Son dahil bina-value niya ang bawat role na pino-portray.

Hindi lang mga Korean projects ang ginagawa ni Son dahil sa kanyang popularity paborito rin siyang kunin ng mga director at producers ng Hong Kong, China at Japan.

Si Gong Hyo-jin ay huling napanood sa ‘When The Camellia Blooms’ nu’ng 2019 with Kang Ha-neul.


Gong Hyo-jin
Gong called ‘queen of romcom’ dahil very consistent siya sa mga project na ginagawa every year since nabigyan siya ng break 1999.

Marami siyang acting awards na natanggap mula "best couple" to popularity awards, to excellence awards for her supporting and main roles. Gong also recognied as a style and beauty icon.

Mas prefer ni Gong ang mga unconventional roles tulad sa 2007 ‘Thank You,’ ‘Pasta’ in 2010, ‘The Greatest Love’ in 2011, at ‘It's Okay, That's Love’ nu’ng 2014, among others.

Ivana Alawi: Sexy body na pwede pagkakitaan

Ivana Alawi and sister Mona Louise Rey




 Last Tuesday, muling nagpost ang sexy actress Ivana Alawi  ng kanyang vlog kung saan gumawa sila ng kanyang younger sister, Mona Louise Rey, ng ‘Mukbang’ challenge.


Tanong ng kanyang kapatid, “Magkano ang sweldo mo sa YouTube?”

Sagot ni Ivana: “Hindi ako magbibigay ng specific na amount kasi may mga videos na lumalabas na pwede kang kumita ng 5-6 digits per video, hindi totoo guys.”

Dugtong pa niya, “May lumabas kasi na video parang ‘ay si Ivana kumita siya ng P1M dahil sa 5 millions views niya.’”

Hindi raw totoo ‘yun.


Kaseksihan na nilalako sa YouTube

In-explained din ng younger sister ni Ivana na may mga several factors na kino-consider para kumita ng malaki sa YouTube.

“Hindi naman totoo yung sinasabi nila na every 1 million views kikita ka ng this amount. Hindi siya ganun. Per ad siya, per view, kung gaano katagal pinapanood ng tao, alin ‘yung ad, kung magcli-click sila,” paliwanag ni Mona.

Dugtong naman ni Ivana, kailangan din daw ng patience. “Patience rin kasi sa YouTube kaya kapag sumali ka sa pera, I don’t know, I think huwag na lang,” sambit ng sexy actress.


Tatalbugan ka sa kinikita ni Ivana online
Walang exact amount na binanggit si Ivana ng kinikita niya as a YouTuber.
Hanggang 6 digits lang daw ang nakukuha niya.

“Hindi siya totoo na parang kumikita ka ng 1M per day.”

Sinabi rin ni Ivana na hindi niya ginagastos ang kinikita as a YouTuber.

“Pambibili ko yun ng bahay ni mama,” aniya.

Seven month pa lang ang tinatagal ng kanyang YouTube channel, pero may 6 million na siyang subscribers.

Ang the best na pinapanood ng viewers sa kanyang vlog ay ang ‘A Day In My Life” na umabot na sa 20 million views mula ng kanyang ipost.

By the way, ang soon-to-be teleserye ni Ivana sa Kapamilya Network  ay malapit nang mapanood titled “Ligaya”  kung saan kapareha ang actor na si Kit Thompson.



Walang Balikan: Napatawad na ni KC si Piolo





Naniniwala si KC Concepcion na may second chances ang pag-ibig.

Sa kanyang Instagram account may nagtanong na netizen, “Do you have a boyfriend?”
Sagot ni KC, “single.”

“Do you believe in second chances?” muling tanong ng netizen."I do," KC answered.

Ang last na nakarelasyon ng mega daughter ay ang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart but she confirmed that they broke up last September 2019.

Years before this, the star was known for her relationship with Kapamilya actor Piolo Pascual.


No more balikan with Piolo

Tumagal din ang relasyon nila ni Papa P, pero nagkahiwalay din sila year 2011.

Sa isang interbyu last year kay Papa P. natanong ang actor kung magkakabalikan ba sila ni KC dahil single na muli ang mega daughter.

Sagot ni Papa P., "May posibilidad," dahil maging siya raw ay single pa rin.

Nakarating kay KC ang sinabi ni Papa P. and she said napatawad na raw niya ang ang 'ex"  and she cares for him as a friend. ‘Yun na.

Sa ngayon ay nali-link si KC sa Fil-Am rapper singer at isa sa judge ng The Voice Teens na si Apl.de.Ap.


  

Ang 22nd Wedding Anniversary gift nina Mayor Goma at CW Lucy sa isa't isa

Mayor Richard Gomez and Rep Lucy Torres-Gomez




 Nag-celebrate ng kanilang 22nd wedding anniversary sina Richard Gomez at Lucy Torres last April 28.

Ang mag-asawa ay pareho nang public servant sa Ormoc City at may isang anak, si Juliana.


Simpleng gift lang ang binigay ni Ormoc City Mayor Goma sa kanyang wifey na si Lucy, ang Congresswoman ng 4th District ng Leyte.


Mayor Goma-Rep. Lucy and their daughter Juliana
Ibinahagi ni Richard sa kanyang social media account ang lovely picture nilang mag-asawa na ang caption ay he and his wife Lucy Torres decided to plant a Dita tree to celebrate their 22nd wedding anniversary.

For Lucy’s part sa kanyang IG, ibinahagi naman niya ang wedding video nila ni Richard nu’ng April 28, 1998.

Emotional message ang kanyang caption:

“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22…”

“You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in.
May backstory pa ang video.



“Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in ‘The Sweet Life,’ a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.”

Pinasalamatan ni Congw. Lucy si Jason, ang tumulong na magprepare ng video para anniversary gift niya kay Richard kung saan ang pagkaka-describe ni Lucy sa mister ay ‘superman.’


Derek: Bigay hilig sa gusto ni Andrea

Derek Ramsay and Andrea Torres





 Hindi tutoo na si Derek Ramsay ay not the marrying type.

He’s very confident saying that the ‘special day’ will come true sa  current girlfriend niyang si Andrea Torres ‘very soon.’

Alam ni Derek na ang impression sa kanya ay hindi naniniwala sa kasal dahil marami siyang naging girlfriend. Pangmatagalan naman kasi kung nakipagrelasyon ang aktor at one at a time naman daw kung makipag-girlfriend siya.


Mukhang si Andrea na nga ang pakakasalan ni Derek

May himig pagtatampo ang Kapuso actor when he says, "People think I don’t believe in marriage. He made it clear: "I do. I believe in marriage.”

Ikinasal daw ang kanyang mga magulang at nasaksihan daw niya kung gaano kasaya ang pagsasama ng parents niya kaya gusto raw niyang gawin example ang mga ito pag-ikinasal siya at pumasok sa buhay may asawa.

Kaya ‘di raw siya nagmamadaling magpakasal dahil ayaw niyang magkamali.
He made it sure : “I’m in a very happy place,” referring to Andrea. "I want only a small wedding.

Derek added, "But again, if Andrea wants something bigger, then we have to give her that."