Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Mga Punong Bayan na tunay naglilingkod sa panahon ng epidemya

The real working mayors sa panahon ng COVID-19





 Veteran or newbie public servants were considered inexperience, no one has been prepared to face the pandemic crisis of the COVID-19. Lahat tayo ay nabulaga ng crisis na ito. Kahit saang anggulo mo tingnan at kahit ang mga rich at big countries ay nagulat din sa problemang ito ng mundo. Pero kahit na ganito ang nangyari marami pa ring mga public servants ang marunong mag-adapt sa sitwasyon at masasabi mong mga leader talaga. Ito yong mga tao na read to do everything that they can do just to serve their constituents and make them safe as much as possible. 


Mayor Goma of Ormoc City is an Idol Mayor
Kaya nga meron tayong mga napansin at nakita na true public servants. Not only because of their positions in the government but because of their concern for their constituents. Ilan sa mga kapansin-pansin na mga mayor ay sina Richard Gomez ng Ormoc City, Vico Sotto ng Pasig City, Emerson Pascual ng Gapan City, at Arthur Robes ng San Jose Del Monte City.  

Si Mayor Gomez o mas kilalang Goma ay continuous sa pangangalaga sa kanyang nasasakupan at marahil ang Ormoc City ay isa sa mga lugar na COVID-free at ito ay dahil sa DISIPLINA. Yes, discipline ang ini-impose ni Mayor Gomez sa kanyang nasasakupan.

Si Mayor Vico, na sa una ay inaakalang walang magagawa dahil newbie sa larangan ng politika. Pero tingnan nyo naman, halos karamihan sa innovations na ginawa ng ibang mga mayors ay sa kanya nanggaling. Tulad na lang ng “Market on Wheels” na pinagawa ni Mayor Vico para sa kapakanan ng kanyang mga constituents.

Mayors Emeng, Vico and Arthur na tapat na naglilingkod
Ang Superman Mayor ng Gapan City, Nueva Ecija, Mayor Emeng , na talaga naman siya pa mismo ang nagbuhat at namahagi ng mga saku-sakong bigas para sa kanyang mga kababayan. 

Ang mayor ng Rising City na si Mayor Robes ay siniguro na makakaabot sa mga poorest of the poor na mga constituents nya ang tulong na ayuda ng gobyerno na Social Amelioration Program. 

Ito ang mga ilan lamang sa mga working mayors na talaga namang they stand to what they are mandated to do, PUBLIC SERVICE!






Mayor Vico: Pinagpipistahan sa social media

Mayor Vico Sotto of Pasig City



 To give light to our current situation, people find things and activities to do to escape boredom. No matter what the situation is, we, Pinoys, find the lighter side of everything. Just what Pinoys did to Mayor Vico Sotto’s recorded reaction.  Pinagpiyestahan ang minsang nainis si Mayor Vico. Take note naging viral ang video at talaga namang ang dami ng gumamit ng video para sa kanilang mga Tiktok at mga memes
.
Si Mayor Vico, gamit na gamit sa Tiktok at mga memes
Bakit nga pinagpiyestahan ang nasabing video? Kung babalikan nyo ang kanyang mga naging pamamaraan sa politika at ang kanyang mga mahinahon na pagsagot sa bawat isyu na binabato sa kanya, masasabi natin na bibihira siya makita na naaasar, naiinis, o nagagalit. Kaya naman ng lumabas ang video na pingpiyestahan ng maraming netizens ay parang isang priceless o rare na item ang nangyari sa kanyang video.

Mabuti hindi pikon si Mayor V.
 Anu-ano nga ba ang naging tema ng mga memes na ito? Merong gumawa ng meme na kunwari ay pinapagalitan, meron din yong inuutusan, meron ding tungkol sa outing ng barkada.  Kung titingnan carefully at kung ako ang nasa sitwasyon, for sure maiinis ako at ginamit ang linyahan ko sa mga ganitong memes pero on the brighter side it’s still publicity. Kaya lalong bumabango ang pangalan ni Mayor Vico dahil sa kanyang straight to the point na decision at reaction.

Ikaw ano kaya magiging reaction mo kung pagpiyestahan ka ng netizens?

Kung magtatagal pa ang ating quarantine period at for sure extended dahil sa mga numerong lumalabas na nagiging positive, ano pa kaya ang mga possible memes na pwedeng lumabas.

Kisses: Parents ang rason kaya walang ka-loveteam

Kisses Delavin with Marco Gallo and McCoy De Leon





 Just early this month, Kisses Delavin celebrated her 21st birthday. It was not the usual celebration but because of the lockdown due to COVID-19, the celebration is simple but what is interesting is the gift that Kisses received from her parents, a brand new car. Yes, 21 na po si Kisses and she’s still living with her parents sa condo nila sa BGC, kaya nung birthday nya ay isang kumakalengbang na susi ng kotse ang bumungad sa kanyang mga mata paggising nya. Kaya naman for sure she is one happy girl.

May problema ba si Kisses sa mga nakaka-love team?
Speaking of a happy girl, bakit nga hindi laging happy ang kanyang love team? Kung inyong babalikan, pagkatapos ng Pinoy Big Brother ay nagkaroon na si Kisses ng ka-love team na walang iba kundi si Marco Gallo na naging kasama rin nya sa loob ng Big Brother House at tinawag silang KISSMARC.

Sa hindi inaasahang pagkakataon they separated and Kisses went on as a single artist. Noong 2018, a new love team name came alive, the DONKISS. It is the tandem of Donny Pangilinan and Kisses Delavin. Maganda ang chemistry pero hindi rin ito nagtagal at nagkaroon pa ng mga kakaibang isyu with some other party. Malamang ay alam nyo na and reason kung bakit?   


Donny and Kisses also known as DonKiss
Lately, merong tinatambal kay Kisses, si  McCoy De Leon, na kung titingnan mo ay kahit papaano ay may something ang dalawa.  Siguro dahil na rin sa COVID-19 kaya parang di nagtutuloy-tuloy ang tambalan.

Bakit nga ba hindi nagtatagal ang mga ka-love team ni Kisses? Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit? 



Sa ngayon meron lang akong ilang idea kung bakit nawawala at hindi nagtatagal ang mga ka-love team ni Kisses. 

Unang hula, sadyang hindi pang-love team si Kisses? 

Pangalwa, hindi nakakasundo ng mga magulang ni Kisses ang kanyang mga nagiging ka-love team?

Pangatlo, dahil sa NBSB si Kisses kaya hindi nya alam ang mga ways ng pagkakaroon ng ka-love team?

Well, sa ngayon di natin masasagot ang lahat but one thing is for sure na hula ko “hindi siya pang-love team.” Kaya kung ano man ang darating nya nga mga project ay pangsolso ang lahat.



Julia Barretto: Aminado na may mental health problem

Julia Barretto




 One of the less talked about topic in our country before, but is now gaining attention from advocates today, the Mental Health. There are some factors why talking about your mental state is like a taboo before, isa sa mga reason is that, when you approach a Psychiatrist you’re branded with mental illness already or they consider you as ‘baliw’ agad, that is why a lot of Filipinos don’t consider Psychiatrist when they are having issues with themselves, and most especially about their state of mind.

Now that our nation and the world is experiencing the pandemic crisis due to COVID-19, moreover the quarantine and lockdown, a lot of people tend to experience stress, uneasiness, worry, fear, and whole lot of emotions, that is why Mental Health is being raised by different advocates. Just recently, the National Center for Mental Health (NCMH) did an online press briefing to give the status of the institution and to promote one of their programs which is the “Tara Usap Tayo” hotline, where they urges people to call and converse with the doctors of NCMH.


Julia and younger sister Claudia
Ilan din sa mga nag-aadvocate about Mental Health are the Barretto sisters (Julia and Claudia). In a podcast or youtube channel na entitled Mindgames, run by Claudia at kung saan si Julia Barretto ay naging guest ay bravely ini-open and shared her experiences, and kung ano ang pinagdadaanan niya upang ma-overcome ito. 

Binahagi rin nya ang mga nararanasan nya tuwing magkakaroon siya ng anxiety at panic attack. Sabi pa ni Julia na marami na siyang awareness na pinagdaanan, sabi pa niya “you also have to help yourself try to find out what works for you. I’ve also just been blessed that I’ve been surrounded by people who totally know how to deal with me when I get an attack.”

Siguro ito na ang pinakabrave na ginawa ni Julia Barretto, ang sabihin na sya rin ay nagkakaroon ng anxiety at panic attack at aminin na may pagkakataon na kailangan nya ng tao o bagay na panghahawakan. You can watch the podcast sa youtube na Mindgames by Claudia.
Julia,may anxiety at panic attack problem

Hindi biro ang depression at maraming tao at organisasyon ang handing tumulong kung ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon. Unang-una na dito ang inyong kamag-anak o kaibigan pero kung talagang hindi mo kaya may mga grupo o organisasyon tulad ng National Center for Mental Health na handang makinig sayo. Meron silang 24/7 hotline na pwedeng matawagan 0917-899-8727 (USAP) at 989-8727 (USAP).

Hiwalay: Edward, ipinagpalit na si Maymay







The feeling of being complete or should I say the commonly phrase “you complete me” ay mukhang matatagalan pa bago mangyari 'o maaaring hindi mangyari sa pinakasikat na love team ngayon, ang MayWard – Maymay Entrata at Edward Barber. Ito ay matapos ilabas ni Edward sa kanyang instagram post ang isang parang letter sa kanyang mga MayWard Family. 

Hiwalayang MayWard, official na?
Below is his IG post:


Dear Mayward Family, 

Sa loob ng tatlong taon na nandito ang MayWard, nakita niyo po at narinig niyo mula mismo sa aming dalawa ang tunay na nararamdaman namin sa isa't isa..Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship. Sana po ay naiitindihan niyo po kami. Patuloy namin inaalagaan ang isa't isa at ang relasyon naming magkaibigan. Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young and there is so much more we still want to achieve in our lives."

Edward, malungkot saaknyang decision

Sa mga faney na sa simula pa lamang ng career ng love team ay nandyan ay siguradong mabibigla sa balita. Hindi man ito directly na sinasabing maghihiwalay na ang love team ay mukhang may namumuong madilim na ulap sa malayo.  Pero kung titingnan natin ang sulat ay sinasabing “sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young…” tama nga naman malayo pa ang mararating nila dahil bata pa sila. So parang sinasabi na wala munang jowa jowa. Still meron pa rin na karugtong na tanong magkakaroon na ba sila ng mga sari-sariling projects? Parang ito yong mga linyahan ng mga dating mga love teams na ngayon ay waley na at may sariling path na ng career.  

Panigurado hindi tago sa ating lahat ang kanilang mga lambingan at pagpapakilig sa mga faney na tulad natin pero ang nakakapagtaka lang ay bakit ngayon nilabas ang ganitong balita na kung kelan ang lahat ay naka-quarantine at lockdown. Kaya ang malaking tanong ay “Bakit?”


Sofia and Allen:Love ng mga netizens

Kilig love team of Sofia Pablo and Allen Ansay




Netizens was surprised to Sofia Pablo’s new loveteam Allen Ansay. He was seen in a combined video from social media where they are tagged as AlFia, taken from Allen and Sofia. One of the posts can be seen on Prima Donnas Squad Facebook Page which has now 4 million views.

Allen and Sofia easily win the heart of the fans and netizens dahil sa kanilang good chemistry. Lalo pang nagkaroon ng pasabog sa kanilang team up at kinakiligan ng mga fans dahil sa ginawang supresa ni Allen Ansay na may paflowers at gifts pa siya na ginawa. Umabot sa 1.2 million views na nagustuhan ng mga fans ang bagong love team.



Allen + Sofia =AlFia
Sofia Pablo is one of the stars ng hit GMA Teleserye na Prima Donnas and Allen Ansay is a product of GMA reality talent competition show Star Struck Season 7.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na maging magkapareha sa drama romance anthology show ng GMA na Maynila. Sila ay nagplay ng role na Merry and Simon. Dito they prove na they can make a good chemistry and maraming naghahambing na ang kanilang loveteam ay parang Jakbie or Jak Roberto and Barbie Forteza. Hmm… magkakaron na ba ng bagong Abs ng Bayan?  

Kung napanood nyo sila, masasabi mo na may pagka-true sa kanilang feelings sa pag-acting.

Teka paano na ang SoWill? Kung maalala nyo na bago magkaroon ng lackdown ay silang dalawa ang love team na gustong mabuo.  Ano ang nangyari?




x