Gloc 9 |
Dahil sa kawalan ng mga gigs at sa Lockdown ay nagtayo siya ng isang bagong business, ang Kusina Ni Juvy (@kusinanijuvy). Nagbebenta sila ng iba't ibang uri ng putahe tulad ng Fried Chicken, Dinuguan at puto, menudo, choco cake, biko, brazo de mercedes at iba pa.
Bili na kayo kay Gloc 9 |
Bukod sa pagkain, nagbebenta din siya ng damit na gawa ng kanyang kamag-anak. Ang ilan dito ay may design na may brand ni Gloc-9 at pinu-promote din niya sa kanyang social media.
Pero kahit na marangal ang mga hanapbuhay na ito at hindi pa rin nawawala ang pumupuna sa mga panibagong trabaho ng rapper. Nag comment ito sa kanyang post at sinabi na "hindi bagay" sa kanya ang pagbebenta.
"May nag tanong sakin “idol bakit ka nag bebenta ng kung ano ano? Hindi bagay sayo.” Sabi ko sa kanya. Tol wala namang masama siguro doon diba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag rap ay mag linis ng basurahan, Kubeta at kanal? :)) Tandaan nyo mga Kababayan iba na ang panahon natin ngayon kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga Mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! APIR!!! ππΌππΌππΌππΌππΌππΌππΌππΌπ΅ππ΅ππ΅π" Post ni Gloc-9 sa kanyang Facebook page.
[https://web.facebook.com/glocdash9/posts/10157188023414147]
Isa sa mga itinitinda ni Gloc 9 |
Hindi rin naman tuluyan tumigil si Gloc-9 sa paggawa ng bagong mga kanta. Kamakailan lang ay nilabas niya ang music video ng kantang "Ahon" kasama si Bugoy Drilon. Nag hit din ng 2 million plays sa Spotify ang kantang "Halik" kasama si FLOW G. Inaabangan din ang collaboration nila ni Julie Anne San Jose para sa kantang "Bahaghari".
Nagkaroon din siya ng mga Writing and Compostion Zoom Workshops para sa mga aspiring composers at sila ay magakakroon ng dalwang batches na.
Kahit na napurnada ang kanyang mga gigs ngayong taon ay nagawan ni Gloc-9 ng iba't ibang paraan para kumita. At dahil laki din siya sa iba't ibang trabaho at hirap ay hindi niya tinitignan na "hindi bagay" ang mga ito sa kanya. Ang mahalaga ay may pinagkukuhanan siya ng kita para sa kanyang pamilya.
No comments: