Roderick Paulate |
In the days to come, TREX Entertainment Productions (headed by the amiable and soft-spoken Rex Tiri) will have an announcement regarding the first film project that iconic actor-tv host and comedian Roderick Paulate will do for the progressive film outfit.Titled Mudrasta, this will be directed by Julius Alfonso, the man behind the critically-acclaimed and award-winning movie. Deadma Walking, isa sa mga paborito naming gay-themed movie Mudrasta is a family dramedy and Kuya Dick will play the role of the beki stepmom. Ito ang unang pagkakataon na gaganap si Kuya Dick na stepmom na bading.
Aawra muli si Kuya Dick sa pelikula |
Si Joni Montanos ang sumulat ng Mudrasta. Siya rin ang writer ng psychological sexy thriller titled Adan na pinagbidahan nina Rhen Escano at Cindy Miranda under Viva Films. We are sure na yung mga kaibigan at supporters ni Kuya Dick ay excited sa pagbabalik-pelikula ng kanilang idol.
Last February ay pumirma ng two-picture contract si Kuya Dick. They should have started shooting ng March 20.Pero hindi natuloy ang supposed to be scheduled story conference kung saan they will announce the casting of Mudrasta dahil sa lockdown caused by Covid-19 pandemic.
Recently ay nagkaroon ng conference via zoom ang mga production team ng Mudrasta para planuhin ang shoot ng movie very soon. Hindi pa makapagbigay ng complete details si Direk Julius dahil hindi pa kumpleto ang casting. Umaasa si Direk Julius na they will be able to finalize the casting on or before the end of June. “Yes, may love interest si Kuya Dick sa film pero hindi pa namin pwede i-reveal kung sino siya. We will just surprise all of you sa story conference,” dagdag pa ni Direk Julius.
*****
Kung paniniwalaan ang sinabi ng sikat na boxing promoter na si Bob Arum, desidido si Senator Manny Pacquiao to run for president sa 2022.Sinabi kasi ni Bob Arum kay WBC president Mauricio Sulaiman in a video conversation that the Pinoy boxing idol is eyeing the presidency in 2022.
Kahit na maaga pa para i-announce ni Pacman ang pagtakbo niya bilang president sa 2022, magiging markado siya dahil sa kanyang popularidad sa masang Pilipino. Pero ayon sa mga political experts, nariyan din sina Sara Duterte at si Sen. Bong Go na possible na maging kalaban ni Pacman sa presidency.
Pero sa isang interview sa isang broadsheet, itinanggi ni Pacman na binanggit niya kay Bob Arum ang plano niyang pagtakbo sa 2022. Winika nito na ang kanila raw pinag-usapan ay ang muli niyang pagtungtong sa ring.
“If I am elected as senator, I have to give up everything including boxing and focus on my job as lawmaker,” wika ni Pacman pero di naman niya ito sinunod dahil dalawang beses pa siyang lumaban.
No comments: