Kim Chiu |
Kim Chiu is at it again. After the much talked about barilan incident kung saan nabaril ang van ng aktres two months ago dahil daw sa mistaken identity, Kim has been taking the news by storm these days after she poured out her sentiments together with some Kapamilya stars via Zoom app. Naging emosyonal si Kim sa pagpapasara ng NTC ng kanilang home network. Sa kanyang monologue, kinumpara niya ang “Law ng Classroom” sa nangyaring closure ng ABS-CBN.
Kim was an instant hot item online |
Nag-explain si Kim and she apologized via her Instagram account na sobrang nadala siya ng emosyon at maging siya ay hindi na rin maintindihan ang ibig niyang sabihin tungkol sa law ng classroom. She thought dahil nasabi na niya ang punto niya, titigil na ang mga haters sa pambu-bully.
But it didn’t stop. In fact, it even worsened. Aminado si Kim na naapektuhan siya nang husto at ito raw ang isa sa depressing moments ng buhay niya.
No one expected na maging viral ang ginawa niya |
People close to Kim, especially her co-stars, came to her defense and even posted on their social media accounts their support for Kim.
Later on, she realized hindi tinatambayan ang mga ganitong depressing thoughts.
She had to move forward. And she did.
Bawal Lumabas in different version |
Through Star Records nag collaborate si Kim at ang sumulat sa kanya ng open letter sa FB na si Adrian Crisanto. Ito ay ginawan ng beat at melody ni DJ Squammy, ang nag post ng viral remix ng “Bawal Lumabas” track.
Ang resuta, the Bawal Lumabas: The Classroom Song has gone viral and earned 10 million views across Facebook and You Tube in just a day. In fact, on Monday (May 25) it’s going to be officially released in all digital platforms.
Thankful si Kim na sa kabila ng sakit sa loob na natanggap niya sa pambu-bully at bash mas marami pa rin ang nagka-interes at natuwa sa kanta niya. Hay naku, ‘yan na-bless pa tuloy si Kim dahil sa kakalait ng iba sa kanya.
Goooo girl!
Bawal pa ring lumabas ha? (Bwahahaha-Ed)
No comments: