By: Angelyn Demo
on April 23, 2020
/
In the last few years, there were some love teams who separated and went on with their chosen career path. Yes, ‘Career Path’ is the common reason kung bakit ang mga kinilala at kiniligan nating mga love team ng mga nakaraang taon ay naghiwalay. They felt na ang pagkakaroon nila ng ka-love team ang humihila sa kanila not to grow with their acting career.
|
ElNella |
So, da who nga ba ang mga love teams na naghiwalay ng mga nakaraang taon? Ito ang mga love teams na naabot ng aking memory na matandaan. Tommy at Miho na tinawag na TOMIHO and real life couple din sila, Nash Aguas at Alexa Ilacad that forms the name NLEX, Donny Pangilinan at Kisses Delavin with their love team name DONKISS, Elmo Magalona and Janella Salvador na nagging real life partner din ay tinawag na ELNELLA, Joshua Garcia and Julia Barretto na naging JOSHLIA, McCoy De Leon at Elisse Joson na kiniligan ng mga fans ay tinawag na MCLISSE, tambalang Maris Racal at Inigo Pascual na bumuo sa MARNIGO, at ang pinakalatest love team on cam and off cam na naghiwalay ay sina James Reid at Nadine Lustre o JADINE.
|
DonKiss |
Tulad ng napansin ng karamihan sa mga love teams na ng split, at ang common sa kanilang mga reasons ay ‘Career Path’. Well, kahit papaano may punto naman sila dahil kung nasa love team zone ka e puro pagpapakilig at pa-twetums lang ang gagawin mo unlike na solo ka you can do any roles. Ang nakakabigla lang sa ibang mga love teams na ito ay nagsplit kung kelan nasa peak sila ng kanilang kasikatan status. Kaya minsan napapaisip ang mga fans sa nangyari.
Well for me nakakalungkot lang on the side ng mga fans, especially yong mga nagbigay ng super effort sa kanila. Pero on the bright side malay nyo tulad din sila ng Sharon at Goma fans na solid pa rin everytime na magkakasama sila.
|
JaDine |
Tag:
Angelyn Demo
Donny Pangilinan
Elmo Magalona
JADINE
Janella Salvador
Kisses Delavin
MAGLife
Maris Racal Inigo Pascual
No comments: