Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » Manny Paquiao: May aral ang COVID-19 ECQ

Manny Paquiao and his family




 Sa kabila ng Enchanced Community Quarantine dito sa Maynila, naipakita at naparanas ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquaio ang buhay probinsya sa kanilang mga anak. 

Bukas sa publiko na mula sa mahirap na pamilya si senador Manny. At dahil sa kanyang pagiging Pambansang Kamao ay gumanda ang kanilang buhay. Sila Manny at Jinkee ay mayroong 5 anak, Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel. 

Noong nakaraan linggo pinatikim ng mag-asawa sa kanilang mga anak ang isa sa paboritong pagkain ni Manny, nilagang saba at ginamos. Sinabi ni Manny na kahit walang kanin noon ay solb na sya sa saba at ginamos. Kitang kita sa video na sarap na sarap si Manny sa pagkain. Unang tumikin si Princess at medyo naalatan sya at sumunod naman si Michael. Proud si Manny na ikwento sa kanyang mga anak ang kanyang mga experience nung nasa probinsya pa sila. 

Isa pa sa magandang naidulot ng quarantine sa pamilya Pacquiao ay maipakita at maturo sa kanilang anak ang tradisyonal na paglalaba. Ayon sa Instagram post ni Jinkee.

Manny and Jinkee teaching their girls to make "laba"
"Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglaba. Abangan nyo po sa Youtube channel ko ang video " -- @jinkeepacquiao 


Nakakatuwa ang mag-asawa dahil sa kabila ng kanilang estado ngayon ay proud silang ibahagi sa kanilang mga anak ang kanilang karanasan noong nasa probinsya pa sila. Sila Manny ay nakatira ngayon sa isang exclusive village ng Makati at kasalukuyang naka-self quarantine din pero nag negative na sya sa COVID-19.



Bukod sa magkakasama ang pamilya ngayon ECQ, madami din activities ang nagagawa ngayon isa na dyan ang balikan ang mga gawain lalo na ng magulang upang mapakita sa mga bagong henerasyon kung gaano kasimple ang buhay noon. 


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

1 Comments:

  1. Awesome family. Very humble and down to earth. God bless Pacquiao family. 😊❤️

    ReplyDelete