|
Bidang-bida sa mga netizens si Pasig City Mayor Vico Sotto
sa mabilis nitong tugon sa enhanced community quarantine na ipinatutupad ng national
government sa buong Luzon.
Isang labis na ikinatuwa ng mga netizens ay ‘yung sinabi ni
Mayor Vico na lahat ng mga empleyado ng Pasig ay makatatanggap ng buong sweldo.
Kahit ‘yung mga Job Order na “no work, no pay.” Gagawan daw ito ng paraan.
Ang hiling lang ni Mayor Vico ay mag-ingat ang lahat at
mag-stay lang muna sa bahay.
Maging ang mga empleyado na nasa Frontlines ay
makatatanggap ng hazard pay, overtime at makaaasa ng iba pang benepisyo.
The working Mayor Vico. Proud ang mga taga-Pasig sa kanya. |
Naghanda rin ang Pasig government ng 400,000 food packs to
be distributed sa mga taong apektado ng enhanced community quarantine.
Magbibigay rin sila ng mga vitamins.
Ipinagtanggol din ni Mayor Vico ang mga tricycle drivers na
nasita dahil pumasada pa rin. Pinayagan kasi ni Mayor Vico na pumasada ang mga
tricycle drivers sa Pasig para may maghatid ng mga may sakit at mga health
workers.
Kaya nang masita ang mga driver, sinabi ni Mayor Vico na
siya ang magbabayad ng multa ng mga ito.
Marami tuloy nagkokomento na sana raw ay sa Pasig City na
lang sila nakatira dahil hanga sila sa mabilis na action ni Mayor Vico.
Proud mom si Ms. Coney Reyes sa anak na si Mayor Vico |
Pinupuri din ng mga netizens ang mga sina Manila Mayor Isko
Moreno at Makati Mayor Abby Binay.
Bagamat naka-self quarantine si Mayor Isko ay kumikilos
naman ang mga tao niya to make sure na they are able to address the concerns of
Manila residents.
May mga wishes na nga from netizens na sana raw ay
tumakbong Presidente sa 2022 si Mayor Vico.
Ang million dollar question ay kung papatulan ba ni Mayor
Vico ang panghihikayat ng mga netizen?
In an interview some months ago, sinabi ni Mayor Vico na he
plans to finish his term as Mayor.
Dahil maganda naman ang pamamalakad niya sa Pasig, we are
sure his constituents would rather that he finish his term. Bata pa naman siya
and age-wise, he is not yet qualified to run as president.
Malaking advantage kay Mayor Vico kung tatapusin niya ang
kanyang term bilang mayor before running for a higher government position kasi
mas experienced na siya.
***
May mga tao talaga na sadyang hard to please o kaya naman
ay libangan to rain on someone else’s parade.
Pokwang, tumutuong sa kapwa sa kanyang konting kakayahan |
Nakakadismaya na may mga artistang naghandog ng tulong
tulad ni Pokwang who prepared food for distribution pero pinantasan pa rin ang
komedyana.
Hindi man lang nila naisip na bukal kay Pokwang ang
pagtulong. Eto bang mga bashers ni Pokwang ay may ginawa man lang para makatulong
sa mga taong apektado ng Covid-19?
Deadma na lang si Pokwang sa mga bashers. What is important
is that in her own simple way ay nakagawa siya ng paraan to give help to those
in need.
In any case, nanawagan si Pokwang sa ating mga kababayan na
mag-stay na lang sa bahay dahil nakahahawa ang Covid-19 virus. Delikado na tayo
ay ma-expose sa infected nito. Huwag din natin kalimutan na magdasal.
No comments: