Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » Mayor Herbert Bautista, umayuda sa dating mga constituents

Former Quezon City Mayor Herbert Bautista





Nagulat ang mga residente ng Quezon City nang biglang bumulaga si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanilang lugar para maghandog ng tulong.

Nag-volunteer si Bistek para sa peace and order ng Quezon City kung saan nagsilbi siya bilang mayor for nine years.

Kabilang si Bistek sa mga Army Reservist ng Armed Forces of the Philippines.

B.Gen Herbert M Bautista 
“Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city. Our team has been doing round the clock inspection of borders to ensure the safety of the city and also distributing goods to our constituents who are in need. We are helping the best way we can and we appreciate your support in every way. Please continue to Stay Home for the safety not just of our city but most especially our families. God Bless Us All. #AFPyoucanTRUST #RescuePH - B.Gen Herbert M Bautista AFP.”

Sa Instagram post, pinuri ng actor-politician ang mga sundalo sa Camp Karingal na walang pagod na nagsisilbi sa mga taga Quezon City.

Nami-miss marahil ni Bistek ang pagtulong sa mga tao kaya masaya siya na kasama ang mga sundalo sa Quezon City habang naglilibot sa QC to extend help to those who need it.
Nami-miss din ng entertainment media si Bistel dahil malapit ang pamilya nila sa media. Laging handa si Bistek na tumulong kung may member ng media na nangangailangan tulad ng tulong pangkalusugan, among others.

Miss din ng press yung yearly get-together ni Bistek with members of the media kung saan ina-update niya ang mga ito tungkol sa kanyang mga activities.

Balik-acting si Bistek sa seryeng Make It With You kung saan gumaganap siyang tatay ni Liza Soberano.


*****

Kung bored ka na sa bahay at gusto mong may pagkaabalahan habang naka-lockdown pa rin ang buong Luzon, baka you might want to sharpen your writing skills. Baka you might discover na may talent ka sa pagsusulat ng script.

Magbibigay ng libreng online writing workshop ang multi-awarded writer na si Ricky Lee sa April 8, 15 at 22.


Multi-awarded writer Ricky Lee
Interested applicants must be at least 18 years old and a Filipino citizen. Applicants must send a letter of intent and a writer's bio to banalramel@gmail.com by 11:59 pm on Friday, March 27.

Ricky Lee is a revered name in the Philippine literary scene. Marami na siyang naisulat na screeplays, most of them are award-winners. Matagal na rin siyang nagbibigay ng libreng scriptwriting workshops mula pa noong 1982.

Pero ito ang unang pagkakataon na siya ay magbibigay ng workshop online. Karaniwan ang scriptwriting worshops niya ay ginagawa sa kanyang bahay. 



Free script writing workshop fro , the "Master"
Ito rin ang first Ricky Lee workshop na gagawin sa panahon ng "enhanced community quarantine" imposed over the entire Luzon.

Ang pagbibigay niya ng libreng scriptwriting workshop is Ricky Lee’s way of giving back to the industry which has been good to him.

Kabilang sa mga workshoppers ni Ricky na nasa showbiz industry na ay sina Armando Lao, Lawrence Fajardo, Jay Altarejos, Senedy Que at marami pang iba.

Take this chance to learn from the master.  Bihirang dumating ang ganitong pagkakataon.

***


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply