"F
or me if I was a student, I don't know if I would even want to pass out of respect for what I'm doing and my future career," matapang na pahayag ni Edward Barber sa kabila ng left and right na pagtrending ng different university-related hashtags mula sa students ng UST at FEU na gusto ay automatic passing at wag na idaan sa online classes kasi hindi lahat ay may stable internet connection sa bahay. Mass promotion ang bansag sa movement na Ito.
 |
Edward, hindi kuntento sa "mass promotion" sa school |
Sa "Myx It Up" ng Myx Philippines ay ikinumpara ni Edward Barber na isang football fan ang Liverpool team kung saan pwede naman silang manalo by invalidating the game dahil nga natigil ang league dahil sa COVID-19. Pero, kung sa madaling paraan nila nakuha ito na ang ibig sabihin ay invalidated na lahat ng past achievements nila.
"If they make the NBA season and the football season void, we'll have to live with that," sey niya with conviction. Bagaman pinakabata si Edward among Myx VJs ay analytical ang approach niya sa mga bagay-bagay gaya na rin sa paulit-ulit niyang pagsagot dati 'pag tinatanong siya tungkol sa dating ka-loveteam na si Maymay Entrata.
Bagaman may haka-haka na ipinagpalit si Maymay sa isang model ay glowing itong humarap sa Magandang Buhay live kahapon April 17 at me post siya sa social media ng screenshot ng what seems to be like a vlog niya na nasa editing stage.
*****
Kung involved si Robbie Domingo sa mga interviews sa itaas eh involved din siya sa naging pagtrending ng Pop Myx Guest VJ na si Maine Mendoza. When asked about her kasi, pinraise siya ni Robi. "She is so game, so funny, so intelligent," he shared.
 |
| Maine Mendoza |
Maraming blessings sa kanya ang dumarating kahit during this EECQ (Extreme Enhanced Community Quarantine) dahil nasa top spot ang new music video niya with Gracenote na 'Parang Kailan Lang' at available na sa Amazon Prime ang kanyang movie with Carlo Aquino na 'Isa Pa with Feelings" na well-reviewed naman during it's cinematic run.
Comments