Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Mayor Goma: At Home with his Pork Binagoongan

Goma at Home




 Before he became Ormoc City's beloved Mayor, we've known him as simply Richard "Goma" Gomez, the actor/model/professional rower and fencer. Little did we know about his passion for cooking. Not until he started to showcase this lighter side of him on his YouTube channel, "GOMA AT HOME."

Goma at Home

The 54-year old Mayor Richard Gomez, now still looking good as ever has a very refreshing ambiance for a cooking show online. I, myself, was very amused and inspired by his styles of cooking. Actually, I am an avid subscriber of his channel and I find every episode unique, informative and very amusing.


At dahil nga sa Ormoc City, Leyte naninirahan ang pamilyang Gomez, napaka-light at very simple ang atake ng butihing Mayor ng Ormoc, like what they say, "rural living," and it really shows kung gaano rin s'ya kasaya sa ginagawa n'yang pagluluto lalo na para sa kanyang anak at napakagandang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng 4th District ng Leyte.

Three months ago lang sinimulan ni Mayor Goma ang pagluluto para sa kanyang beautiful na anak na si Juliana ng pasta, after that, nagkasunod-sunod na ang kanyang pagluluto at nawili naman ang mga netizens sa panonood at pagbibigay n'ya ng mga cooking tips. Nakakatuwa na bukod duon, 'yung episode n'ya na naf-harvest ng Pechay mula sa kanila mismong garden ay nag-gain ng 1.3M views (most viewed vid n'ya so far) as of this writing. It only shows na interested ang mga tao ngayon sa "buhay-probinsya" bilang nag-aadapt na tayo ngayon sa "new normal" era caused by the COVID-19 pandemic.

Goma's special binagoongan recipe


Isa sa mga nagustuhan ko na niluto ni Mayor Goma ay ang "Lola's Pork Binagoongan." Aminin natin mga ka-Onpointers, di naman lahat eh nakakapagluto di'ba? At di rin lahat eh marunong magluto ng "Pork Binagoongan," kaya malaking tulong sa mga viewers ng channel n'ya ang mga recipes na shine-share n'ya. Napaka-loving apo talaga ni Mayor dahil di s'ya nakakalimot sa kanyang lola na nagpalaki at nagmahal sa kanya. Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode n'ya na 'yun, share ko dito muna aa inyo.


Nakakatuwa nung last "Father's Day" celebration, kasama ni Mayor Richard si Juliana sa episode na kung saan nagluto s'ya ng "Sinigang na Baka." Makikita na close na close ang mag-daddy at sarap na sarap din si Juliana sa niluto ng kanyang ama.

Ang gaan lang talaga at good vibes ang mafi-feel mo while watching or even after watching "Goma At Home." Talagang nanamnamin mo ang bawa't episode kaya naman patok na patok ito sa mga netizens.

To Mayor Goma, congrats and cheers to good food and good life! Sana'y lalo pang dumami ang subscribers mo at lalo ka pang ma-inspire sa pagluluto! More power!!!


Ang 22nd Wedding Anniversary gift nina Mayor Goma at CW Lucy sa isa't isa

Mayor Richard Gomez and Rep Lucy Torres-Gomez




 Nag-celebrate ng kanilang 22nd wedding anniversary sina Richard Gomez at Lucy Torres last April 28.

Ang mag-asawa ay pareho nang public servant sa Ormoc City at may isang anak, si Juliana.


Simpleng gift lang ang binigay ni Ormoc City Mayor Goma sa kanyang wifey na si Lucy, ang Congresswoman ng 4th District ng Leyte.


Mayor Goma-Rep. Lucy and their daughter Juliana
Ibinahagi ni Richard sa kanyang social media account ang lovely picture nilang mag-asawa na ang caption ay he and his wife Lucy Torres decided to plant a Dita tree to celebrate their 22nd wedding anniversary.

For Lucy’s part sa kanyang IG, ibinahagi naman niya ang wedding video nila ni Richard nu’ng April 28, 1998.

Emotional message ang kanyang caption:

“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22…”

“You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in.
May backstory pa ang video.



“Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in ‘The Sweet Life,’ a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.”

Pinasalamatan ni Congw. Lucy si Jason, ang tumulong na magprepare ng video para anniversary gift niya kay Richard kung saan ang pagkaka-describe ni Lucy sa mister ay ‘superman.’


Ormoc Mayor Richard Gomez: Less talk, more tulong

Ormoc City Mayor Richard Gomez




 Nakakatuwa isipin na sa simula ng kanyang career as a public servant ng Lunsod ng Ormoc, madami ang nagdududa sa dating aktor at sportsman na si Richard Gomez na hindi niya kakayanin ang demands as a leader ng kanyang mga constituents.


Isip kasi ng mga kalaban niya sa politika, "artista" lang daw kasi siya .Pero ang "artista" na sinasabi nila, sa unang termino pa lang niya ay hinangan na ng mga kababayan niya sa  ipinamalas niya na trabaho bilang pinuno ng lunsod ng Ormoc.


Mayor Richard and Ormoc City officials
Sa panahon ng Coronavirus,makikita mo sa social media account ng Ormoc LGU kung ang bilis at pagiging madiskarte ni Mayor Goma at mga opisyales ng lunsod kung paano nila i-handle ang pandemic 

Kumbaga, parang  "Boy Scout" si Mayor Goma na laging handa bago pa man kumalat ang virus sa Ormoc at isa-isa na infected ang mga Pilipino ng COVID-19 at bago nag-implement ng lockdown ang pamahalan.

Last Saturday, kumilos si Mayor Goma at mga opisyales ng lunsod at nag-distribute sila ng kaban-kaban na mga bigas

Kung ang ibang mga mayor ay 2-3 kilos lang ang ayuda sa mga kinasasakupan nila, sa Ormoc City, isang kaban per household o' pamilya na kinaingitan ngayon ng marami.

Reaction ng ilang netizens sa pa-bigas nina Mayor Goma,"Sana All" na wish ng iba na hindi lang two to three kilos ang natatangap nila na taga-ibang bayan o' lunsod.

Suerte ng mga taga-Ormoc dahil ang working Mayor nila ay less talk lang pero more work at ayuda sa panahon ng epidemya. 

Mabuhay ka Mayor Richard and to all Ormoc City officials.



Kongresista Lucy Torres, responsible citizen of the PH

Leyte Congresswoman Lucy Torres is safe





Salamat sa Diyos at nalampasan na ni Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang nakamamatay na COVID-19.

Mabuti at isang responsible citizen of the Philippines (and the world na rin) si CW Lucy kung saan pagdating niya sa Ormoc City last March 18 ay nag-self-quarantine kaagad siya.

On her arrival sa lunsod kung saan Mayor ang mister niya na si Richard Gomez, agad siya nag-kusang sumailalim sa-14 days self-quarantine ayon sa isang press statement na nagmula sa kanyang opisina.


CW Lucy and husband Ormoc Mayor Richard Gomez
Umiwas si CW Lucy sa mga tao at mga sa mga kasambahay, reason kung bakit safe na siya at wala sa posibleng pagkahawa at makahawa dahil sinunod niya ang tamang protocol kung kaya't hindi naging positibo ang kongresista sa coronavirus.

Sa isang official na gathering ng political party na PDP-Laban na kinabibilangan niya last March 4 sa Forbes Park mansion ni Sen. Manny Paquiao, nakasalamuha niya ang pasaway na si Sen.Koko Pimentel na positive na sa COVID-19 ay nakipag-meeting pa na nilagay pa ang mga medical staffs ng Makati Medical Center ang buhay at kalusugan sa pagsaway niya sa protocol.

Thankful si CW Lucy sa mga taong nag-alala sa naging health status niya nang mag-viral at kumalat ang video na nakipag-beso-beso pa siya kay Sen. Koko.

“I am well and ending the quarantine with no symptoms. God bless and protect us all,” sabi niya sa press statement.

She added that:“If anybody contracted COVID-19 during that party, he or she would have exhibited symptoms already.


In last Saturday evening dinner with Richard and Juliana

Last Saturday night, after undergoing the 14 days quarantine, they celebrated it with a dinner with daughter Juliana.





Papasukin na rin ba ni Gerald Anderson ang politika?




Ang daming nagtatanong sa post na larawan ni Gerald Anderson kung ano ang reasons niya sa pagbisita sa Kongreso kamakailan.

May kuhang picture ang actor kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano at mga celebrity representatives like Vilma Santos, Lucy Torres, Sol Aragones, etc


Gerald with Rep. Lucy Torres
Nakasuot ng formal Barong ang ‘A Soldier’s Heart’ lead actor nang bumisita sa Kongreso.

Ni-recognize ni House Speaker Cayetano ang presensya ni Gerald sa kanilang session.

After ng session, nakipagtsikahan si Gerald kay House Speaker Cayetano gayundin kina Ate Vi at Congresswoman. Lucy Torres-Gomez.

si Gerald ay in-appoint bilang Philippine Youth Ambassador of Goodwill ng Philippine Youth-KASAMA kung saan 900 Sangguniang Kabataan sa buong Pilipinas ang nagsidalo

Nauna rito, ang actor ay kabilang sa Philippine Army Reserve Force.

Ayon sa isang netizen, inuumpisahan na raw ni Gerald na makihalubilo sa mga pulitiko dahil may balak itong pasukin ang pulitika.

Naka-agaw pansin naman sa netizens ang pagkukwentuhan nina Ate Vi at Gerald.

Anila, bagay daw na pagsamahin sa isang proyekto ang Star For All Seasons at ang Kapamilya actor.

Tutal naman daw ay matagal na ‘yung Angel Locsin-Ate Vi movie, ang ‘Everything About Her.