Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Megan at Mikael: Relasyon na Super Budget

Megan Young and Mikael Daez





 Nakakagulat sa ilan ang nai-share na paraan sa pagba-budget ng Kapuso couple na sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez sa latest episode ng kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals. 

Habang ang ibang married couples ay may individual at joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwalay na accounts. 
Mikael and Megan
Ang kay Mikael ay ginagamit nila para sa ilang expenses gaya ng credit card bills, groceries, at household expenses samantalang lahat naman ng income ay pumapasok sa account na nakapangalan kay Megan.

Kuwento ni Mikael, apat na taon na raw nilang ginagawa ang naturang sistema at nasanay na sila sa ganoong paraan ng pagba-budget. 

Bukod daw sa mas organized dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang expenses sa isang account lang, may positive psychological effect din daw na makita ang lahat ng pumapasok na pera sa iisang account. 

“I think those two are the most prominent motivations for using this style of finance, so organization and clarity and good vibes," sey ni Mikael.
*****
After one year ay muling nasilayan si Kelsey Merritt sa latest edition ng Sports Illustrated Swimsuit Edition 2020.

Si Kelsey ang kauna-unahang Filipina model na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2018.

Pinost ni Kelsey via Instagram ang kanyang naging photoshoot for
SI sa Dominican Republic.
Kelsey Merritt
“Soooo excited for Sports Illustrated Swimsuit to come out on newsstands July 21st!" caption pa niya.

Sey ni Kelsey, isa raw powerful and iconic brand ang SI that celebrates women of all color, size, age, and ethnicity.

“Whenever I see them do something groundbreaking that no one else has done before, I am in awe that I get to call this brand my family. They continue to shatter ceilings for inclusivity. I am so proud and honored at the same time to be amongst the company of strong, confident women that encourage everyone to be their true authentic self.”

Last year unang lumabas si Kelsey sa “rookie class” ng Sports Illustrated Swimsuit.

*****

Ginulat ng mag-asawang Justin Timberlake at Jessica Biel ang marami dahil sa pagsilang ng kanilang ikalawang baby.

Walang nakakaalam na buntis si Jessica at naitago niya ito sa media.

Pinanganak ni Jessica last week ang second baby boy nila ni Justin habang naka-quarantine sila sa Big Sky, Montana kasama ang kanilang panganay na si Silas.
Justine and Jessica
Nanggaling ang confirmation mula sa close friends ng mother ni Jessica na nakasama nila sa Montana.

Bumilib ang marami sa paraan ni Jessica sa pagtago ng kanyang pagbubuntis kahit active ito sa social media.

Ang sikreto ay bare minimum of selfies, none showing of Jessica's entire body for how many months at ang mag-post ng mga photos at videos from last year para walang maghinala na netizen.

Nagbigay naman daw ng clue si Justin noong nakaraang May nang i-post niya sa IG ang photo na suot nila ni Jessica ang matching robes na may nakalagay na PAPA BEAR and MAMA BEAR. 

Pero walang nakahula na buntis na pala si Jessica that time.

FRESH : VAA's Kelsey Merritt

Kelsey Merritt


 Pormal na winelcome ng Viva Artists Agency ang kanilang newest angel, Kelsey Merritt, 23-year-old Filipino-American model born in Pampanga and based in New York City.

Pagdating sa larangan ng Modelling, walang duda na si Kelsey Merritt ang isa sa pride ng Pilipinas.
Kelsey for US Teen Vogue
Nakilala si Kelsey Merritt noong 2018 bilang first Filipino na rumampa sa Victoria's Secret runway, kung saan nakuha nya ang attention ng international media like Teen Vogue at E! News. At nagtuloy-tuloy na ang kanyang international career. Si Kelsey din ang unang Pinoy na feature sa Sports Illustrated Swimsuit Issue. Kabilang siya sa The Society NYC na nag-hahandle ng kanyang career sa New York. Kasama niya sa nasabing agency ang sikat na si Kendall Jenner at iba pang Victoria's Secret angels. 

On the runway of Victoria's Secret
Bago pa man ang kanyang international career si Kelsey ay AB Communication graduate sa Ateneo de Manila sa edad na 20. Anak siya ni Philip Merritt (white American) at Filipina mom meron din syang 3 siblings (Kirsten, Kyle at Keagan). May kilala siyang Casey ng kanyang family and friends. May taas syang 5'8 at nag-start ang kanyang modelling career sa Maynila kung saan lumabas sya sa iba't ibang commercial like Palmolive, San Mig Light and clothing brand Kashieca bago pumunta sa US at subukan ang international career.

A page from the US Teen Vogue
Ngayon naman ay kaabang-abang ang kanyang career bilang part ng Viva Artist, papasukin na rin kaya niya ang mundo ng showbiz?  Abangan!