Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sarah-Matteo: Vacay ng mag-asawa, wish na magkababy na




 Once you witness two beautiful couple together and freely expressing their love for each other, you'll ,be inspired and would wish to be in their shoes. Like the case of AshMatt or better known as Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli and hubby Matteo Guidicelli. Their love story was not easy one, most especially when they decided to level it up by tying the knot.

But now, it's a different story to tell. It was very evident sa mga photos ng dalawa kung gaano sila kasaya at in-love! Just recently, naglabasan ang mga sweet photos ng newly-weds sa social media habang nasa honeymoon sila at pre-birthday celeb na rin ng Popstar Royalty, Sarah G. na nangyari sa very exclusive at posh na Amanpulo Island na according sa ilang sources, this was taken care of by their Ninang, Dra. Vicki Belo and family.


Kaya makikita rin sa mga photos na kasama ng AshMatt ang very cute na anak nila Doc Vicki at Hayden na si Scarlet Snow.

Marami rin ang nag-aassume na dahil inabot ng pandemic ang supposedly honeymoon ng dalawang love birds, baka naman daw meron nang "little angel" na nabuo lalo na't madalas ang attire ni Sarah ay mga loose clothes.

Hindi pa kumpirmado pero may nakapagsabi rin na natunton na daw ng mader ni Sarah G. na si Mommy Divine ang tahanan ng dalawa at nagpunta daw ito para batiin ang anak for her birthday pero nag-fail ang kanyang attempt dahil nasa honeymoon nga ang couple. Sayang nga lang, kung nagkataon sana na nagkatagpo ang tatlo eh di sana nagkaron na sila ng maayos na pag-uusap at malamang eh magkakasundo na sila.

If ever man na positive at nagbubuntis si Sarah, eh for sure naman walang problema dun lalo na't thirty two years old na s'ya and pwedeng-pwede na talagang maging full-blown mommy.

Mukhang busy na naman ang Viva gold mine na si Sarah, kaya di rin maiwasan na ma-mention ang name n'ya when it comes sa usaping lipatan ng network. Based sa isang tweet ni GMA Network head writer, Suzette Doctolero, "Inuulit ko po hindi na imteresado ang GMA7 sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Mas interesado pa kami kung si Sarah Geronimo ang lilipat." Ouch! Medyo masakit din ang binitawang linya ni Madam Suzi, kung kayo sina Regine at Ogie, how would you feel? Anyway, back to Sarah... base sa nabasa natin na tweet ni Madam Suzi, it seems na pwedeng-pwede at open arms nilang tatanggapin si Sarah just in case na lumipat ito sa Kapuso Channel.

Honeymoon. Birthday Celebration. Possible coming of the baby. Lipatan ng channel at pumapasok na uling mga endorsements at projects, 'yan ay parte lang ng pagiging makulay ng mundo ng AshMatt.

Michael V: Infected ng COVID-19

Michael V.


  The whole Bitoy fandom, entertainment and Filipino industry had another shock of a lifetime, when Michael V. aka Bitoy, had announced last Monday, through his vlog, "Bitoy Story," on YouTube that he was diagnosed Covid-19 positive.

Kinumpirma ng batikang actor/ comedian at naikwento n'ya ang dinaranas n'yang symptoms ng pagkakaron ng nasabing virus. Talagang dinocument n'ya simula sa pagkaron n'ya ng "weird" feeling sa nasal area, na eventually ay nawalan na s'ya ng pang-amoy at panlasa. He's even experiencing flu-like symptoms pero with a 37.1 °C temp.



Bitoy is COVID-19 infected
We all know na isa sa mga primary symptoms kapag inflicted ka ng Covid-19 virus ay ang loss of sense of smell and taste kaya naman naging very suspicious si Bitoy sa nararamdaman n'ya, not only for his own sake, but most especially for his family's safety and protection.

Pinahanga ako ni Bitoy when he went out of his way at nag-undergo sa mahabang proseso (umabot ng 5 hours) para lang magpa-swab test s'ya sa St. Luke's Hospital, dala-dala n'ya ang camera n'ya, kinunan din n'ya ang sarili habang sinu-swab test s'ya sa ilong at bibig. Very humbling din ang gesture n'ya na hindi s'ya gumamit ng koneksyon n'ya para di na s'ya pumila nang matagal considering sa labas ng hospital isinasagawa ang testing.

After few days, naka-receive s'ya ng email from the hospital, he said: "SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected, so it's positive right now. Fever na lang, yung loss of smell nare-regain ko na siya." Since Day 1 pa lang na nakaramdam s'ya ng flu-like symptoms, nag-isolate na s'ya just to be sure, he stayed and quarantined himself sa studio n'ya while nasa kabilang unit ng house ang family n'ya. 

Kahit may COVID na, komedyante pa rin si Bitoy
Nakakatuwa pa rin si Bitoy at lumalabas pa rin ang pagiging comedian n'ya dahil nakukuha n'ya pa ring mag-joke habang kumakain s'ya at di n'ya nalalasahan ang mga food habang nanghihinayang s'ya na sayang wala s'yang panlasa, mukha pa naman daw masarap. Towards the ending of his vlog, naging emotional si Bitoy dahil na-mimiss n'ya ang kanyang family na di n'ya man lang makasama o mayakap kahit na nasa kabilang side lang, buti na lang daw at may Facetime. Sa kabila ng sad news at situation nila ngayon, very positive pa rin ang outlook ni Bitoy sa buhay at very firm ang pagpapa-alala n'ya sa lahat na huwag bale-walain ang Coronavirus at palagi pa rin mag-practice ng social distancing and wear PPEs. Wala pa ring idea si Bitoy kung saan n'ya na-acquire ang nasabing virus dahil lahat ng protocols eh sinusunod naman nila. 

Nakaka-overwhelm ang mga nagpapakita ng love and concern kay Bitoy online katulad ng mga kapwa Kapuso stars n'ya na sina Bea Binene, Yasmien Kurdi, Ben Alves, Gabbi Garcia, at mga co-actors n'ya sa "Pepito Manaloto," like si Manilyn Reynes at iba pa. Nagpost din ang kanyang bff Ogie Alcasid sa Instagram account n'ya ng photo nilang dalawa with a caption: "Always in my prayers my brother. Be healed in Jesus name. Love you bro." 

To you Bitoy, thank you for being so brave and cool sa pagharap mo sa krisis ng buhay mo ngayon at ng iyong pamilya. We are all hoping na malampasan mo na agad ito at sana'y gumaling at magpalakas ka pa. We believe na kayang-kaya mo 'yan! 


Markki Stroem: Viral ang 'Bed Scene' with Marvin Agustin

Markki Stroem



 Two years ago, Marvin Agustin and Markki Stroem were placed in a "buzz" that people started question their personal relationship. A lot of people had been asking them if they were "together" since they'd been seeing together in some posts in social media and the rest, in separate but similar posts like 'yung pag-tour nila sa Hongkong, United States at Batangas.

This issue was vehemently denied by both parties, said that they were just good friends and that they were just business partners. And now after two years, nabuhay na naman ang issue na may relasyon diumano silang dalawa na more than friends pa ang relasyon nila.
The controversial 'bed scene" of Markki and Marvin.
Is this real or edited sa photo shop?

Kung bakit? Dahil kasi sa kumakalat na photo ng dalawa habang nasa kama at nakakumot, while si Marvin ay natutulog sa balikat ni Markki, at naka-smile naman 'yung huli. I suppose si Markki ang kumuha ng "selfie" nila and s'ya rin ang makakasagot kung bakit lumabas ito, right? Unless sabihin n'ya na nanakaw 'yung phone n'ya or files n'ya, it would be a different story di'ba mga ka-OnPointers?


But the,question is, legit or edited ba 'yung viral photo nila? If legit, it will only mean na "confirmed" na sila na nga at nag-decide na sila na mag-out. May iba rin naman na nagsasabi na baka daw part of promotion or publicity gimmick ito dahil kasalukuyang may BL series si Markki opposite Mike Liwag entitled "Andrew & Brix," ito ang first of the six BL stories ng "Unlocked" drama anthology series based sa gay relationships under "lockdown" situation natin ngayon.

Markki and Marvin with Lea Salonga

Whether they are "on," or not,(Oks langkung gusto nila ng isa't isa. Nothing wrong.-Ed) I guess it's always up to them, anyway, malalaki na sila at they have also established their own names and earned respect sa showbiz world. Sana lang kung kung aamin sila eh idirekta na lang nila, alam mo naman tayong media peeps di'ba, lalong nanggigil hangga't di natin naririnig na nanggagaling mismo sa mga taong concerned.


Kris: Balik telebisyon, napurnada, daming problema

Kris Aquino


 The "Queen of All Media," Kris Aquino, is once again the focus of attention of the netizens, most especially for those who are hard-core supporters of Krissy.

Why? It has been known that her "supposedly" new tv show, entitled "Love Life With Kris" scheduled for airing on July 25, Saturday on TV5 was put on halt, in Tagalog, "naudlot," "nausog," o "naunsyami." And if worse comes to worst, baka sakaling di na umere ng tuluyan.

Balik telebisyon ni Tetay mauudlot pa

Maraming nagsasabi na kung kelan pa naman nagpost ng video teaser si Kris sa Instagram account n'ya, tungkol sa comeback sa as host ng isang tv show, eh bigla namang binalita na di na muna ito matutuloy.

According sa mga sources, the show is produced by Positive Exposure Productions in cooperation with Cornerstone Entertainment, Inc. handlingher career. The concept of the show, according sa mga ka-close ni Krissy is to make life easier for everyone, marami na nga daw problema ang mundo, kaya ayaw na n'yang makadagdag kaya ang aim n'ya is makapag-bigay ng tulong pa sa mas maraming tao. Hmmmm.. quite interesting 

kasi at least matutuloy ni Kris ang magandang nasimulan n'ya sa kanyang mga online shows sa Youtube channel n'ya at Facebook account.

As of this writing, kaka-deactivate pa lang ng Instagram account ni Ms. Kris, siguro kailangan n'ya lang talagang gawin n'ya to para di na makadagdag pa sa effect ng "sad news" na dumating sa kanya lalo na ang mga speculations ng madlang people kung ano ba talaga ang naging tunay na dahilan ng pagkaka-udlot ng "blocktimer" at weekly show sana n'ya.

Ang daming issue sa pagbabalik showbiz ni Kris

Na-open tuloy uli ang conflict ni Kris against sa dati n'yang producer ng "Trip ni Kris," na nag-one time showing lang sa GMA Network last 2017, na si Ms. Rhodora Morales na baka daw may kinalaman ito sa di pag-ere ng new show n'ya dapat. Another issue is that, na-pulitika daw si Ms. Krissy dahil may usapan na may isa daw na taga TV5 na malakas at maka-DDS kaya daw di pinayagan na matuloy ang show.

Oh well, anuman ang reason or maging outcome ng pag-aayos ng nila sa panibago na namang "issue" kay Kris, sana naman eh di masyado magpa-apekto ang tv host/ celebrity influencer, kasi baka makasama lang din sa present condition n'ya na auto-immune disease na Chronic Spontaneous Urticaria. To Ms. Kris, kapit lang at maraming nagtitiwala sa iyo, marami rin ang naghihintay sa pagbabalik mo sa regular tv program.

Mayor Goma: At Home with his Pork Binagoongan

Goma at Home




 Before he became Ormoc City's beloved Mayor, we've known him as simply Richard "Goma" Gomez, the actor/model/professional rower and fencer. Little did we know about his passion for cooking. Not until he started to showcase this lighter side of him on his YouTube channel, "GOMA AT HOME."

Goma at Home

The 54-year old Mayor Richard Gomez, now still looking good as ever has a very refreshing ambiance for a cooking show online. I, myself, was very amused and inspired by his styles of cooking. Actually, I am an avid subscriber of his channel and I find every episode unique, informative and very amusing.


At dahil nga sa Ormoc City, Leyte naninirahan ang pamilyang Gomez, napaka-light at very simple ang atake ng butihing Mayor ng Ormoc, like what they say, "rural living," and it really shows kung gaano rin s'ya kasaya sa ginagawa n'yang pagluluto lalo na para sa kanyang anak at napakagandang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng 4th District ng Leyte.

Three months ago lang sinimulan ni Mayor Goma ang pagluluto para sa kanyang beautiful na anak na si Juliana ng pasta, after that, nagkasunod-sunod na ang kanyang pagluluto at nawili naman ang mga netizens sa panonood at pagbibigay n'ya ng mga cooking tips. Nakakatuwa na bukod duon, 'yung episode n'ya na naf-harvest ng Pechay mula sa kanila mismong garden ay nag-gain ng 1.3M views (most viewed vid n'ya so far) as of this writing. It only shows na interested ang mga tao ngayon sa "buhay-probinsya" bilang nag-aadapt na tayo ngayon sa "new normal" era caused by the COVID-19 pandemic.

Goma's special binagoongan recipe


Isa sa mga nagustuhan ko na niluto ni Mayor Goma ay ang "Lola's Pork Binagoongan." Aminin natin mga ka-Onpointers, di naman lahat eh nakakapagluto di'ba? At di rin lahat eh marunong magluto ng "Pork Binagoongan," kaya malaking tulong sa mga viewers ng channel n'ya ang mga recipes na shine-share n'ya. Napaka-loving apo talaga ni Mayor dahil di s'ya nakakalimot sa kanyang lola na nagpalaki at nagmahal sa kanya. Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode n'ya na 'yun, share ko dito muna aa inyo.


Nakakatuwa nung last "Father's Day" celebration, kasama ni Mayor Richard si Juliana sa episode na kung saan nagluto s'ya ng "Sinigang na Baka." Makikita na close na close ang mag-daddy at sarap na sarap din si Juliana sa niluto ng kanyang ama.

Ang gaan lang talaga at good vibes ang mafi-feel mo while watching or even after watching "Goma At Home." Talagang nanamnamin mo ang bawa't episode kaya naman patok na patok ito sa mga netizens.

To Mayor Goma, congrats and cheers to good food and good life! Sana'y lalo pang dumami ang subscribers mo at lalo ka pang ma-inspire sa pagluluto! More power!!!


Angel: May sakit na Polycystic Ovary Syndrome?

Angel Locsin



 It has been known to all of us that reel and real life "Darna," Angel Locsin, is also known for her being so grounded, humble person with a golden heart, thus, she was one of the awardees of Forbes Asia's "Heroes Philanthropy" last year, which she truly deserves. 

The beautiful and very helpful actress Angel, has once again made it to the "trending" topic. There are two reasons... first, sa isang episode n'ya sa new docu show n'ya online na "Iba Yan," mapapanood na s'ya ay nakasakay sa likod ng driver ng tricycle sa Brgy. Sadsaran, Mauban Quezon. 
Biyaheng Brgy. Sadsaran sa Mauban, Quezon
Aside from this, may eksena dun na nag-join s'ya sa salu-salo kasama ang pamilya ng mga mangingisda na sinasabing wala naman sa script. S'ya rin pala mismo ang nagprepare ng munting sali-salo na 'yun.

 It only shows na wala talagang ere at kyeme sa katawan itong si Angel kaya wapakels din s'ya kung magkamay at mawalan ng poise in front of the cam. 

Isa pang wapakels viral eksena ni Gel (Angel) ay ang kumakalat na photos n'ya na pinost ng isang Frederick Viaje, isang photographer. As you can see, wala na ang dating napakagandang curves ng katawan ng former "Darna" actress. Nakaka-experience na naman si Gel ng mga "body shaming" pero dedma lang s'ya. Sa tingin ko mas binibigyan n'ya ng importance ang pagtulong sa kapwa, ang kanyang show at ilan pang advocacy at s'yempre ang kanyang personal life most especially her lovelife. Kasa-kasama nga pala ni Gel ang kanyang fiance na si Neil Arce sa mga tapings n'ya. 
Pero bakit nga ba lumaki ng ganun si Gel? For sure 'yan ang isa sa mga tanong ng netizens. Iba-iba na nga ang reaction ng mga tao... merong nagsasabi na baka may sakit na daw si Gel na PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) kung saan ang obesity ay associated sa sakit na ito. Pero ang nauna nang sinabi ng butihing aktress ay ang pagkakaroon ng side effect nito sa iniinom n'yang gamot para sa spine condition n'ya kaya s'ya nag-gegain ng weight. 

Pero before magkaron ng "lockdown" dahil sa COVID-19 Pandemic, makikita sa mga posts at stories ni Gel na palagi s'yang pumupunta sa "The Aivee Clinic" para magpa-alaga ng katawan or mag-avail ng mga beauty treatments don. Well, dala siguro ng lockdown at super na-busy din s'ya sa kanyang fund-raising at humanitarian projects, nawalan na rin s'ya ng time for herself. 


Kaya nga matuturing na napaka-selfless nitong si Angel and isa s'yang role model na nakakapag-inspire pa di lang sa mga fellow actors n'ya sa showbiz kundi sa ating lahat! For you Gel, bilib ako sa'yo and sana dumami pa ang katulad mo! You are doing a great job!!!