![]() |
| Coco Martin |
![]() |
Bago na-implement ang community quarantine sa buong Luzon ay mapapanood pa ang ilang taon ng TV show na pinagbidahan ng masasabi nating isa ng batikang actor at bagong sibol na director na si Coco Martin. Yes, yan po ay ang palabas na “Ang Probinsyano.” Sa tagal ng umiire itong palabas na ito ay marami kang pagbabago na mapapansin sa palabas at sa particular na character nito na si Cardo na binibigyan buhay ni Coco.
![]() |
Natatandaan nyo pa ba ang maamong mukha ni Coco sa pelikulang “Masahista”? Well, batambata at may pagka-inosente pa ang look. Eh yong look nya sa movie na “Kinatay”, dito ay nagkaroon na siya ng confidence at mas naging maganda ang mga ngiti. Idagdag mo pa yong teleserye na “Walang Hanggang” na talaga naman kinagiliwan ng madlang people na lalong nagpa-angat ng kanyang tinatagong good looks. Sa “You’re My Boss” mas lalong nagkaroon ng maaliwalas na mukha at isama mo pa ang simpleng pagpapasaya nya sa mga nag-aabang ng mga romcom na story. At yong drama series na nagbigay ng sense ng pagiging idolo na “Juan Dela Cruz.”
![]() |
| Poster of his earlier films as an indie actor |
So ano sa tingin nyo, gone with the wind na nga ba ang masaya at maamong mukha?




No comments:
Post a Comment