![]() | |
|
![]() |
Biktima ng scammer si Marian Rivera. May gumamit ng pangalan ni Marian Rivera at gumawa ng Facebook account kung saan ipinahayag nito na magbibigay ng P5K ang misis ni Dingdong Dantes.
Siyempre agad na may nagtanggol kay Marian at sinabing fake ang account na nagpahayag na magbibigay ng P5K ang aktres thru Palawan at Cebuana remittance centers.
May mga tao talaga na walang magawa tapos mangdadamay pa ng artista sa kanilang kalokohan.
Hindi na nga kayo nakatutulong eh gumagawa pa kayo nang palso. Ang nakalulungkot lang ay baka may pumatol sa gimik ng scammer at mas lalo pa silang mapahamak.
![]() |
| Marian, ginamit ang pangalan sa scam |
Kung sakaling balak ni Marian na magbigay ng pera, most probably ay ido-donate niya ito sa GMA Kapuso Foundation o sa YES Pinoy Foundation which was founded by her husband Dingdong Dantes.
Kaya ang importante ay huwag basta-basta tayong maniniwala sa mga nababasa natin sa social media. Dapat suriin natin ang anumang posting sa social media dahil baka fake news ito. Mahirap nang mabiktima ng fake news.
Sa dami ng mga namomoblema sa kakainin o kung paano kikita ng pera sa panahon ng lockdown, there is the danger na maniwala sa promise of easy money.
Kaya dapat lang tayong maging maingat lagi.
*****
Sanib-pwersa ang mga comedian mula sa Kapuso at Kapamilya
networks para tulungan ang mga frontliner na mga pangangailangan sa panahon ng
enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
![]() |
| Mga komedyante, tutulong sa panahon ng COVID-19 |
Ceasefire muna sa network war ang mga kasapi sa grupo para
sa iisang layunin lalo na’t halos cast ng Bubble Gang ng Kapuso Network at
Banana Sundae ng Kapamilya Network ay nakiisa sa magandang layunin ng samahan.
Pinangunahan nina Ogie Acasid, Herbert Bautista, Janno
Gibbs, Padilla brothers, Dennis at Gene ang pagbuo ng grupo at nag-iiisip pa
sila ng gagawin upang makatulong.
Kasama rin si Vhong Navarro na nag-suggest ng challenge
para ipakita ang suporta sa frontliners.
![]() |
| #PunchlinersForFrontliners. |
Sina Janno at Jerald Napoles ang namahala sa social media
account ng grupo habang si Ai Ai de las Alas ang magbi-bake ng tinapay para
ipamigay sa iba’t ibang sectors.
Nag-joini rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Ryan Bang at Candy Pangilinan.
Nag-joini rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Ryan Bang at Candy Pangilinan.
Inaasahan din ang pagsama sa Covidyante ng iba pang
komedyante sa grupo.
Ang official hashtag ng grupo ay
#PunchlinersForFrontliners.
Maganda ang naisip na ito ng mga komedyante para makapaghatid ng tulong sa mga frontliners. Goodluck!












No comments: