Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Robin Padilla: Biktima ng Fake News

 



 

Fake News ang balitang nagka-COVID-19 si Robin Padilla at misis niya na si Mariel Rodriguez

"Common flu lang. Ok na," mensahe niya sa amin thru our regular correspondence. "Mahirap magkasakit ," dagdag pa niya sa message niya sa amin.

He can't afford na magkaganun(magkasakit), lalo pa't muling aktibo siya sa kanyang community work at sa dalawang bagong television shows ng NET25 on agri-business, livestocks and small businesses like pagawa ng kakanin, food (karideria), etc na "Unlad' Kaagapay sa Hanapbuhay na devcom para sa mga kababayan natin na kailangan ng tulong impormasyon na napapanood every Sunday at 7:00PM and Saturday at 9:00 in the morning na nagsimula noong July of this year.


Last Sunday, September 27 ay may bagong musical sitcom na ini-launch ang istasyon na siya ang main host together with Vina Morales and Pilita Corrales titled "Kesaya Saya" na mapapanod naman at 6:30 in the evening.

*****

Ang ganda ng unang sultada ng Kuwentong Sandaan series kung saang nagbibigay pugay ang FDCP sa pangunguna ng kanilang Chairperson @lizadino sa mga living legends ng pelikulang Pilipino at ng industriya. Nakakatuwa ang kuwento ng beterang aktres na si Ms. Gina Pareño tungkol sa pagsisimula niya bilang isang extra sa pelikula hanggang sa dumating ang takdang panahon niya bilang isang bida.

 Congratulatios FDCP sa effort ninyong ito in selebrasyon ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino at sa Isang Daang Taon pa ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang FDCP! 

Bukas, Wednesday ay mayoong dalawang oras na selebrasyon ang FDCP para sa pagtatapos ng sandaang taon ng pelikulang Pilipino at ang pag-welcome naman ng #SineSandaanNext100 with an online concert featuring Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Lea Salonga to name a few.

The show starts at 8:00PM at mapapanood online sa Facebook.com/FDCPPH. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Good work FDCP!
 
*****
Tama lang na idinemanda ni Liza Soberano ang isang netizen para malaman ng mga gumagamit ng social media na may responsibilidad sila sa mga ipino-post nila na opinyon na kung hindi sila maingat ay pwede sila mademanda at makulong. Sabi nga "Think Before You Click!"
 
Kaya sa mga netizens na walang pakialam na akala nila ay kahit sino ay pwede na mag-rant ay hinay-hinay at baka kayo mademanda ng cyber libel.   
 


Sarah-Matteo: Vacay ng mag-asawa, wish na magkababy na




 Once you witness two beautiful couple together and freely expressing their love for each other, you'll ,be inspired and would wish to be in their shoes. Like the case of AshMatt or better known as Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli and hubby Matteo Guidicelli. Their love story was not easy one, most especially when they decided to level it up by tying the knot.

But now, it's a different story to tell. It was very evident sa mga photos ng dalawa kung gaano sila kasaya at in-love! Just recently, naglabasan ang mga sweet photos ng newly-weds sa social media habang nasa honeymoon sila at pre-birthday celeb na rin ng Popstar Royalty, Sarah G. na nangyari sa very exclusive at posh na Amanpulo Island na according sa ilang sources, this was taken care of by their Ninang, Dra. Vicki Belo and family.


Kaya makikita rin sa mga photos na kasama ng AshMatt ang very cute na anak nila Doc Vicki at Hayden na si Scarlet Snow.

Marami rin ang nag-aassume na dahil inabot ng pandemic ang supposedly honeymoon ng dalawang love birds, baka naman daw meron nang "little angel" na nabuo lalo na't madalas ang attire ni Sarah ay mga loose clothes.

Hindi pa kumpirmado pero may nakapagsabi rin na natunton na daw ng mader ni Sarah G. na si Mommy Divine ang tahanan ng dalawa at nagpunta daw ito para batiin ang anak for her birthday pero nag-fail ang kanyang attempt dahil nasa honeymoon nga ang couple. Sayang nga lang, kung nagkataon sana na nagkatagpo ang tatlo eh di sana nagkaron na sila ng maayos na pag-uusap at malamang eh magkakasundo na sila.

If ever man na positive at nagbubuntis si Sarah, eh for sure naman walang problema dun lalo na't thirty two years old na s'ya and pwedeng-pwede na talagang maging full-blown mommy.

Mukhang busy na naman ang Viva gold mine na si Sarah, kaya di rin maiwasan na ma-mention ang name n'ya when it comes sa usaping lipatan ng network. Based sa isang tweet ni GMA Network head writer, Suzette Doctolero, "Inuulit ko po hindi na imteresado ang GMA7 sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Mas interesado pa kami kung si Sarah Geronimo ang lilipat." Ouch! Medyo masakit din ang binitawang linya ni Madam Suzi, kung kayo sina Regine at Ogie, how would you feel? Anyway, back to Sarah... base sa nabasa natin na tweet ni Madam Suzi, it seems na pwedeng-pwede at open arms nilang tatanggapin si Sarah just in case na lumipat ito sa Kapuso Channel.

Honeymoon. Birthday Celebration. Possible coming of the baby. Lipatan ng channel at pumapasok na uling mga endorsements at projects, 'yan ay parte lang ng pagiging makulay ng mundo ng AshMatt.

Maxine Medina at Winwyn Marquez.: Mga Reyna Tindera

Maxine Medina at Winwyn Marquez




  Dahil limitado na ang trabaho sa entertainment business dahil sa COVID-19 pandemic, pinasok nila ang negosyo na madaling asikasuhin kahit na nasa bahay lang sila.




 Meat Vendor


Naging online business ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang pagbenta ng marami niyang pre-loved clothes at ang pag-supply ng meat products. Dahil sa kanyang pagbenta ng karne, natuto raw siyang magluto ng adobo, sinigang at caldereta.



Si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ay natuto ng baking sa pagkuha nito ng online course. Pinakita nga ni Wyn ang kanyang mga binebenta na mga pandesal and other pastries sa kanyang social media accounts.


Pastry baker


Naging magandang therapy raw kay Wyn ang baking dahil hindi naging bakante ang kanyang pag-iisip at lagi raw siyang nag-iisip ng iba't ibang paraan kung paano mapapasarap ang bine-bake niyang mga pastries.

*****



Ilu-launch ng Miss Universe Philippines ang first-ever online series na Ring Light.



Isang fundraising online series ang Ring Light na ipapakita ang mga training, behind-the-scenes preparations and activities ng naturang pageant.



Mag-premiere ito on September 27, 2020 via www.empire.ph.



Composed of eight episodes, the series follows 50 aspiring Miss Universe Philippines candidates and takes viewers through their inspiring journey to the crown.




Producer of Ring Light an 8 episode online series


Sa bawat subscription, may percent na mapupunta sa chosen beneficiary ng bawat candidate. May sariling referral code ang mga candidates.



“We’re very excited to launch Ring Light, the first-ever fundraising online pageant series that willallow fans to take the same journey to the crown while making a positive impact. With this online series, we hope to inspire our viewers to find their ownlight and empowerment and show that beauty is not only skin deep,” sey ni Miss Universe Philippines National Director and Miss Universe 2011 Third Runner-Up, Shamcey Supsup-Lee. 



How to Watch Ring Light: All eight episodes, including five learning episodes, a challenge episode, the preliminaries (swimsuit and gown competition), and the grand finale, will be available to stream on www.empire.ph for a one-time fee of P299.



Excited pageant fans can also avail of Ring Light’s early bird promo of only P249 if you subscribe any time from July 22 to August 31, 2020.



*****



Natapos ni Taylor Swift ang kanyang 8th studio album habang naka-quarantine ito. Nilabas niya ang kanyang Folklore album noong July 24 at umani agad ito ng rave reviews. 



Tinawag ng maraming music critics ang Folklore as Taylor's "greatest work".




Tay]0r's 8th album is  her "Greatest work"


Sey ng Variety: "It's hard to remember any contemporary pop superstar that has indulged in a more serious, or successful, act of sonic palate cleansing."



At sey ng Billboard: "A project created in isolation, Folklore finds Swift pouring every inch of her current psyche, amidst an imperfect reality, into her songwriting. We're fortunate that she decided to share it with us."



May 16 tracks ang Folklore at ang unang music video na nilabas ay may titulong "Cardigan" na meron nang 15 million views sa YouTube when it premiered last July 23.



Bagong BL Serye in Filipino Malapit Na!

Ohm Pawat and Singto Prachaya




  One of the hit Boys Love Series this 2020, 2gether: The Series starring Bright and Win is currently airing via iWant App. This is the first Thai BL show na tagalized pagkatapos i-announced ng ABS-CBN ang partnership with GMMTV. 

Ohm Pawat and Singto Prachaya of 'Come to Me'

Talaga namang sikat na ang BL sa bansa, at dahil dito ang Dreamscape Entertainment ay naglabas nang trailer na second Thai BL na tagalized at mapapanood din sa iWant. Ito ay ang He's Coming to Me na pinagbibidahan nina Singto Prachaya as P'Mes at Ohm Pawat bilang Than. 

Story ito ni P'Mes na isang Ghost at di alam ang rason ng pagkamatay ngunit darating sa buhay niya si Than at siyang tutulong para malaman ang past life. Kakaibang istorya ito dahil sa mga twist na ganap at love serye ng isang Ghost sa isang taong buhay pa. 

Ang He's Coming to Me ay may 8 episodes, oo maiksi sa nakasanayang 13 episodes pero worth it. On August 8 magsisimula na itong ipalabas sa iWant at may bagong title na Come to Me. 




FRESH: Shaniah Rollo, Proud Pinay from 'Ireland Got Talent'

Shaniah Rollo





Matapos ilabas ang una niyang single this year titled Too Young, nasa Spotify na rin ang second single ni Shaniah Rollo titled Complicated. 
Sa panahon ng pandemya, maganda rin naman na makapakinig ng musika na masarap pakinggan. Kaya naman pasok na pasok ang awiting ito ni Shaniah, na sumabak sa Ireland Got Talent two years ago.

The song talks about how a love can get complicated while experiencing it. It also tells the process of being in love and the complications and the risks one has to go to just to be able to achieve it. Ang kanta ay prinodyus ng RJA Productions LLC.


Shaniah, a Pinay talent from "Ireland Got Talent"

Noong bata pa siya ay hindi naman daw siya mahilig sumali sa singing contests. Kaya marami ang nagulat nang malaman na nag-compete siya sa Ireland Got Talent. Sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, most especially ang kanyang ama, she was able to conquer the whole of Ireland stage via Ireland Got Talent. Nakilala rin siya sa buong Europa nang mapabilang siya sa Eurovision Ireland.

Nadiskubre si Shaniah ng RJA top honcho na si Ms. Rosabella Jao Arribas. Matapos ang stint ni Shaniah sa Ireland Got Talent at Eurovision Ireland, pinapirma niya ito ng kontrata at ipinakilala sa Pilipinas via the song Too Young.

She is likewise thankful to Ms. Rosabella Jao Arribas of RJA Productions believing in her.

Ang bago niyang awitin na Complicated ay composition ni Dan Tanedo and musically arranged by Nino Salazar.



Proud Pinay
The song is finally out on all digital streaming and downloading platforms this July 15. Make sure to listen to her song on Spotify, Apple Music, etc. The official lyric video will be out also at the RJA Productions.

Shaniah Llane Rollo is a big fan of Megastar Sharon Cuneta. Based sa Ireland ang kanyang mga magulang pero may mga kapatid siya na narito pa rin sa Manila.

Dahil sa kanyang mommy kaya naging fan si Shaniah ni Sharon Cuneta. Personal favorite ng kanyang mommy ang Bituing Walang Ningning, na title rin ng hit movie ng megastar.

Hindi pa raw siya sigurado kung she will embark on a career as a professional singer. Sa ngayon ay naka-focus pa rin siya sa studies niya back in Ireland.

Bukod sa pagkanta, nag-compose din siya ng original Irish Gaelic song para sa 2018 Ireland’s Junior Eurovision Song Contest. She joined the contest as a gesture of appreciation and love for her adopted country.



Joshua Garcia at Benjamin Alves: Mga bagong ganap nila sa panahon ng pandemya











Ngayong quarantine, matumal ang trabaho ng mga artista given the social distancing rules at ang patuloy na dumadami na kaso ng COVID-19 sa bansa. Some, like Benjamin Alves, choose to be active sa social media accounts nila. Pero me iba na gaya ni Joshua Garcia eh July 7 pa ang last post. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng dalawa?


Gaya ng kapwa Kapuso artist na si Alden Richards, naglalaro na rin ng Mobile Legends si Benjamin. Sa post ng isang netizen named Jerence Velasquez na finafollow niya, may screenshot ng game results kasama ang GF ng actor na si Chelsea Robato.

Speaking of her, even though ang ilan sa posts ng binata ay masasabing "thirst posts" o yung posts na nakakauhaw kasi nga lantad na lantad ang kanyang yumminess na para bang naghahanap ng spectator, sa caption ng iba eh declaration of love niya sa kanyang kabiyak. We don't know him as a musician, yet napakasweet ng para sa isang MAC promo video ng kanyang GF ay ginawan niya ito ng musical scoring, at siya rin ang nagedit ng short clip.

Benjamin and Joshua

Si Joshua Garcia naman though hindi naman niya GF pa si Janella Salvador ay inaabangan ng fans ang pasabog nilang dalawa as Joshnella sa August. Nagpost kasi ang official fans club nila regarding August 15.

Matatandaan na August kasi ang anniversary month ng kanilang loveteam na nabuo dahil sa characters nila sa The Killer Bride.

Early July ay naglabas ang Mojo 12 Photography sa Twitter ng new pictorial ng Joshnella shot at ABS-CBN studio so mas napataas nito ang possibility na may pagtatambalan nga sila sa August.

Maituturing na latest social media post ni Joshua yung clip niya sa Tiktok singing and playing a guitar. It could be trip lang niya, o baka busy siya kasi nagpapractice siya ng kanyang skills para masabayan si Janella. Feeling ng maraming fans eh kung anuman ang project na yan will possibly be a short series, pero sa tingin ko eh like Ja Mill who recently released a single under Star Music eh magkakaroon din silang dalawa. Kung eto nga ang mangyayari sa kanila eh sana samahan na rin nila ng music video para mamaximize.

 *****

Pinagpistahan ng netizens ang bagong photo ni Bianca Umali na sobrang payat niya. Sa photo na ito ay nagpropromote siya ng isang cosmetics brand at nakatuealya lang siya.

Yung ibang comments ay napakaharsh at tinawag siyang bangkay at tuyot. To the rescue naman sina Ruru Madrid at Kiray Celis na pinagtanggol siya sa bashers.

Pumayat ba?
Hinamon ni Kiray ang mga walang profile pictures na ipakita ang tunay nilang mga mukha bago sila manghusga.

Ruru posted a lengthy comment:

"I don't know what's wrong with people right now. Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung magddown sa atin. Sana wala ng ganun. Sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa."



Vice Ganda, sablay ang unang sultada

Vice Ganda




After the State of the Nation Address from the man of the Palace, what happens next?

No idea on what he recited during the address because there were better counter programming offers that coincided with the speech. Preferred to watch my latest online fascination, the vlog collaborations of Benedict Cua and Mimiyuh which provided a lot of guffaw and kilig inducing moments. 

Happy ba si VG sa nzngyari sa Network niya
And did not bother to read the bullet points about it and all the opinions made after the recitation since we all know that such democratic expressions are futile anyway and those who continue to rally behind him, they couldn’t care less about all the political brouhaha for as long as their monthly stipend and social amelioration moolah come on time, walang kapantay ang pagmamahal nila sa Poong naka-upo.

Eh ang baklang nag-aambisyon at nag-iilusyon rin na maging poon of his own network, si Vice Ganda, kamusta naman kaya ang pakiramdam at pakiwari? Ang sa Vice Ganda Network, hindi lang sumablay ang una nitong pasabog, supot ang una nitong papatok.

Hindi pa pala talaga sila handang umere at super lame ang excuse na “technical difficulties” ang tinututurong dahilan kaya ang Little Ponies niyang busog na busog at pinalaki niya sa kanyang balahurang manner of pagpapatawa at hosting style na alam naman nating hindi of international standards at parang pang-sing along bar lang ang mga kaganapan. Nganga sa pag-aabang. Beh! Buti nga sa inyong lahat.

Sino ba kasi ang umuto kay Vice at binigyang ilusyon ang baklang nagkaka-itsura lamang dahil sa kanyang magagarang peluka at tunay na karakas na tinatago sa makapal na make up ay pwedeng magpatakbo ng isang network? Does he even have the experience and expertise of a Charo Santos? The respectability and the family background of a Carlo Katigbak? The media savvy and the knowhow what shows to acquire like a Lauren Dyogi? Does he even have they eye of who could be a “star” and who hss the potential to be an “actor” like Johnny Manahan?

Anong bago ang ihahain niya?

Kung no, nada at nay ang sagot niyo sa mga tanong, kung may investors man si Jose Marie Viceral sa kanyang network, hindsi ba kayo nag-aalala na baka malusaw lamang ang inyong ibinigay na capital lalo na nga’t pambungad na telecast pa lamang, pumalpak with a capital P and the lamest excuse talaga na “technical difficulty” ang may sala. Kung hindi pala “secure” at “sound”ang connection capacity para sila ay ma-broadcast, bakit tila minamadali na mailunsad ang network kuning-kuning?

Asan ang clamor? Meron ba? Kung meron man baka sila-sila lang ang nakaka-alam, hindi ba naman?

And please, pray tell, ano ba naman ang originality at pagkakaiba ng “Gabing-gabi na Vice” sa “Gandang Gabi Vice?” as a flagship program and the network’s carrier show? Alam naman natin what happened to the last remaining season of GGV, eat your dust na ito ratings wise sa “The Boobay and Tekla Show” tapos newly minted network supposedly ang pambungad na alay, BAGONG LUMA NA PALABAS?

Hay naku, more BL shows please na lang kesa patulan ang network na alam naman nating doomed na agad-agad. Hindi pa ba indikasyon na hindi off to a good start at will not bear good fruit ang kiyeme latik na “network” na ito? If Vice Ganda wants his public to believe na is “serious” this time. TAKE OF THE WIG AND THE MAKE UP, at be behind the camera and offer program content na out of the box and revolutionary. Ang tanong, kaya niya ba?